Kinagabihan ay nakapalibot kame sa bonfire na ginawa nila miss fely at ng katiwala ng resort. May inilabas silang isang case ng beer. Nangangalahati na ako ng umupo sa tabi ko si rafael. Si lita ay kanina pa nakikipagtawanan sa anak ng caretaker ng resort na hindi nalalayo ang edad kila miss fely at miss ava.
"Are you okay?" tumango ako sa tanong at nginitian si rafael sabay kindat. Raffy just smiled at maya saka niya nilagay sa likod ng tenga ang kumawalang buhok ng dalaga. Inabot niya rin ang beer at tumungga rito. He's enjoying his little vacation at ilang nakaw na oras at sandali upang makasama si mayanera.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod na naghari. Naging kuntento si maya sa katahimikan ng gabi at sa ilang beses na pag-ihip ng hangin at rinig din ang hampas ng alon. Idagdag pa ang bawat tawanan na naririnig niya. Napapangiti siya dahil masarap sa pakiramdam ang kasimplehang nararanasan kasama ang lalaking kanyang itinatangi.
"Ah, pwede ba akong magtanong?" alangang sabi ni maya. Shit! Nakakapang-init ng mukha. Kanina pa niya napapansin ang panakaw na tinginan ng mga naghahalakhan at nag-uusap na si lita, miss fely, ava at si rita. Puno ng pang-aasar ang bawat tingin nila. Pinandidilatan ko na lalo nilang ikinahalakhak. Si rafael kasi ay malayo ang isip at nakatingin sa kawalan habang tumutungga ng beer. Ang manly sana tignan at ang sarap sana titigan kaso nahihiya siyang gawin. Nakakaiyak. Pwede na sanang magpantasya sa kanyang long time crush.
"A-ah ano, kmusta na pala kayo ni maam alexa?" napalunok siya pagkatapos maisaboses ang kanina pa tumatakbo sa isip niya. Of course gusto niya makasigurado na wala siyang kahati ano! Sino bang babae ang gustong may kahati sa atensiyon at pagmamahal ng lalaking itinatangi nila. Ang tanga at martyr mo kapag hinayaan mo ang sarili mong makihati. At ayoko ng ganun. Buong buhay ko ay ganun na ang nakalakhan at nakamulatan ko. Ayokong sumunod sa naging yapak ng nanay at lola mama.
Natigil sa pagtungga si raffy. What should he tell her? That he's been thinking ways on how to break the engagement. Na humahanap siya ng paraan kong paano makawala sa pakiramdam niya ay sumpa sa pamilya nila. They aren't even chinese but once the arrangement made was broken, hell will break loose at kailangan niyang harapin ang karampatang parusang nakaatang sa kanya.
Eithier you choose pain or death.
At alam niya sa sarili niya na nakapili na siya. Kaya nga ginagawa niya na ang dapat gawin upang makasama lamang si mayanera dahil hindi niya alam kong kelan niya ulit eto makikita o kong magkikita pa ba sila ulit.
He's gonna graduate soon at nagsisimula ng planuhin ang kasal nila ni alexa. He doesn't want mayanera to know everything and get her hurt. He just wanted to have a few days with her bago siya makulong sa isang kasal at pagsasama na kahit anong gawin ay wala siyang kawala.
He's heart was already captured by he's mayanera and making her safe is his priority.
Ang tagal sumagot ni rafael. Nao- awkward tuloy siya kaya hinayaan niya ang sariling tungga ng tungga ng bote ng alak. Nahihilo na tuloy siya. Napapanguso at kanina niya pa binibigyan ng matalim na tingin si rafael na hindi sinagot ang tanong niya kaya naman naisip ni maya na sila pa nga ni alexa at walang balak si rafael na makipaghiwalay dito tapos jojowain siya neto. Ang kapal ng mukha. Inis na inis si maya.
Nakakalimang bote na siya nang pabigla siyang tumayo. Balak niyang sumali sa usapan nila lita at kanina pa nagtatawanan. Wala nmn silang pag-uusapan ni rafael. Kanina pa eto nakatitig sa kanya pero tagos na titig naman at hindi yata narinig ang tanong niya. Nag-aalburo ang puso niya sa inis dito.
"Where are you going mayanera?" Nahawakan neto ang kamay niya kaya ipiniksi niya eto at pinanlisikan ng mata si rafael. Nahihilo na talaga siya at dahil naiinis siya sa pagmumukha ng kanyang senyorito ay gusto niya muna etong mawala sa paningin niya at baka mabangasan niya lang eto. Ewan ba at bigla siyang nainis sa pananahik neto.
"Dun kila lita. Wala naman tayong pag-uusapan di ba? Naubos na yung laway ko kakalunok at ubos na ang pasensiya ko kakaantay ng sagot sa tanong ko aba'y hindi mo nman yata narinig ang tanong at ang layo ng isip mo. Isang oras na tayong nakaupo at walang pinag-uusapan nakakapanis ng laway kaya doon na ako kila lita makikipag-usap" umismid si maya at pilit tinatanggal ang mahigpit na hawak ni rafael
"Ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko!"
"Are you drunk?" umikot ang eyeballs ni maya at napa duh siya.
"Tingin mo makakapagsalita pa ako ng diretso kong lasing ako. Tsk tsk ayaw kitang kausap at wala akong mahihita sayo-"
Bigla napaupo si maya sa kandungan ni rafael na nagpasinghap sa mga kasama nila. Nagulat siya sa pabiglang hila neto sa braso niya kaya hindi siya nakatukod ng maayos at naglanding ang mukha niya sa matigas at matipuno netong dibdib na bakat sa itim na t-shirt na suot neto. Napakurap si maya. Bolta-boltaheng kuryente ang umakyat sa galang-galangan niya idagdag pa ang nag-iinit niyang katawan kasabay ng alak sa kanyang sikmura. Shit!
"a-ano-"
"Stay still heart. I just want you near me. I'm contented with just you beside me at hindi ko alam na gusto mo palang mag-usap tayo. What would you want to talk about?"
Shockers! Mas maraming nalunok na laway si maya ngayon. Nagulat siya sa biglaang pagbabago ng atmospera at nag-iinit siya sa pagkakalapit nila ni rafael. Idagdag pa ang tumahimik na grupo ng mga kasama nilang maiingay. Halos marinig na niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nang idaiti niya ang tenga sa dibdib ni rafael ay ramdam niya ang malakas din na kabog ng puso neto. Namimilog ang mata niya sa antisipasyon. Ibig sabhin parehas sila ng nararamdaman ng senyorito.
Inayos ni rafael sa pagkakaupo sa kanyang kandungan si maya saka niya eto niyakap ng mahigpit at pinatakan ng mumunting halik ang leeg, pisngi at sentido neto. He felt at ease and comfortable. Halos mawala ang lahat ng alalahanin niya habang nakapaloob sa bisig niya ang kanyang mayanera
"So, what are your plans after finishing college my heart?" Ayan na naman nagrigodon na naman ang kanyang puso. Gusto niya magmura ng malakas.
My heart.
Tinawag niya akong my heart. So hindi ako namamali lang ng dinig talagang tinatawag niya akong heart minsan minsan. Gusto magtitili ni maya sa tuwa at saya. Wala sa sarili na humarap siya kay rafael at hinawakan eto sa mukha. Taka siyang tinignan ng lalaki
"What?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni maya. Hinaplos niya ang makapal netong kilay pababa sa mukhat at labi neto. Kinakabisado ang napakagwaoo netong itsura. Nang matapos ay nagkatitigan ulit sila
"I love you senyorito ko" bigla lumawak ang ngiti ni rafael at nagningning ang mga mata.
"Let's seal it heart" and he captured her lips in an instant.
Saksi ang hampas ng alon at ang mga bituin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...