Thirty-three

4K 107 6
                                    

Malamig ang paligid at sarap na sarap si maya sa pagtulog. Naalimpungatan lamang siya sa mga boses na naririnig na parang nagsasagutan.

Binukas niya ang mga mata at nagulat siya sa bumungad sa kanya kaya napatili siya sabay balikwas ng bangon.

"Hahahahaha" kumurap siya at nilingon kong sino ang kanina pa tumatawa.

"Miss A-aviona?" gulat na gulat siya. Nakilala niya ang nakakatandang kapatid ni ava sa batangas kong saan nakasama niya eto sa iilang shots na kinuha mismo ni ava. Pauwi narin sila nun at sumunod lamang eto dahil iyon lang daw ang available time neto at puno daw ang schedule neto saka gusto at nais daw talaga siya netong makilala. Hiyang-hiya siya nun sa babae. Ang ganda ganda kasi neto. Walang ka pores pores. Tinuruan siya neto kong ano ang tamang pagtayo at pagdadala sa sarili pati kong paano dalhin ang sinusuot na damit.

Masyado etong boyish sa suot na hindi niya akalain na magtatransform eto nang nakapagpalit na ng damit sa isang elegante, sosyal at sopistikadang babae. Ang humble humble daw nga, ilang beses na binulong pa sa akin ni lita.

"Good now your awake iha" napalingon nmn siya sa boses na nagsalita. Nabosesan niya kasi si mam amanda.

Ngumiti sa kanya ang ginang.

"We will transform you into a queen my dear" kumindat pa eto. Naguguluhan siya. Ano ang nangyayari? Bakit pagagandahin siya?

"Ano pong nangyayari?"mabilis na lumabas sa bibig niya ang mga salita.

"Hi maya" kumaway pa sa mismong mukha niya si miss fely. Siya yung nabungaran niya kanina kaya nmn gulat na gulat siya. Nagmukha kasi etong bruha, idagdag pa ang itim na eye liner at gulo gulong buhok. Akala niya talaga binabangungot siya. Itim na itim pa ang lipstik neto.

Napangiwi si maya. Narinig na naman niya ang halakhak ni miss aviona. Tuwang-tuwa kasi eto kay miss fely.

"Don't mind her maya. Siya ang nagmake up niyan. Siya lang ang natutuwa sa ginagawa niya and fely can't even say no-"

"Dahil ayaw ko pang mamatay bruuha ka ava -" halos mangiyak ngiyak na sabi ni miss fely. Naguguluhan talaga ako. Bakit nmn siya mamamatay kong tatanggi siya?

"Bakit ka naman mamamatay kong tatanggi ka?" natutop ko ang bibig nang lumabas ang katanungan sa isip ko sa mismong bibig ko. Tumawa bigla si ava at sumimangot si miss aviona.

"Agh. Let's just do our business girls. Don't mind fely's words iha. Mafia boss kasi ang bf ni aviona kaya takot yan mamatay si bakla" tumawa si mam amanda. Nanlaki ang mata ni maya. Umawang ang bibig sa gulat.

"Tita, think before you speak. Baka maniwala si maya niyan" balewalang sabi ni miss avi, inakay siya neto papasok sa mismong bath tub at may nakalagay na doong scented candles at iba't ibang petals na nakalutang sa naka ready na na tinimplang tubig.

"Hubarin mo ang damit mo at lumublob ka sa bath tub. Babalikan kita mamaya to wash up, okay"

Nang makalublob ay biglang gumaan ang pakiramdam ko at luminaw ang isip. Unti-unti guminhawa ang aking pakiramdam idagdag pa ang naamoy kong bango na hindi masakit sa ilong at nakakapagpakalma. May halong mint na kapag lumulunok ako ay napapangiti ako at narerelaks. Idagdag pa na unti-unti na namang titiklop ang mata ko at gusto ay matulog. At iyon nga ang nangyari. Nakatulog ako.

"So hows your relaxation?" Si miss aviona ang gumising sa akin at pinasuot ako ng roba saka pinaupo sa may dresser at naka ayos na ang gagamitin para sa pagmemake up.

"Hmmn. Guminhawa ang pakiramdam ko" tumango tango eto.

"That's the purpose. I'll do your make-up okay" wala na akong nagawa at tikom ang bibig nang simulan niya ng lagyan ng kong ano-anong cream ang akung mukha. Tapos si miss fely ay sa aking buhok.

Nakatulog na naman yata ako dahil ilang tapik ang naramdaman ko.

"Puyat na puyat ka maya. Now stand up. I want you to look at yourself in the mirror" inakay ako ni miss avi sa isang whole body mirror na naka ready na.

"Wow" bulong ko. Hindi makapaniwalang ako ang nasa salamin. Naka ahit ang kilay at maganda ang pagkakaayos ng aking buhok. Idagdag pa ang make-up na ginawa ni miss avi.

"Ang ganda ganda ko naman po" naiiyak kong bulong. Humagikhik si miss aviona. Napapansin ko na lage siyang tumatawa.

"Huwag mo pansinin yan. Baliw yan si ate tawa ng tawa nakahithit kasi" tumawa si miss ava pagkatapos bumulong at umiling-iling.

Pinasuot sa akin ang kulay puting gown na napakahaba ng slit sa gilid ng binti.  Maganda ang tela ng damit, bagsak na bagsak na ikinangiti ko dahil masarap sa pakiramdam ang makapagsuot ng isang napakaeleganteng damit. Magaan din dalhin at nakakaganda.

"Saan nga po pala tayo pupunta mam amanda?"

"Oh, mygosh muntik ko ng makalimutan. Mauna na ako sa inyo girls. See you there" lumapit si maam amanda sa akin at ginagap ang aking kamay.

"Whatever you will heard or saw. Let my son explain first okay. Kausapin mo muna si rafael bago ka magdesisyon ha magdalena" sabay yakap ni mam amanda at hagod sa likod ko.

Pagkaalis ni maam amanda ay mabilis na nagkilusan ang mga kasama ko. Ang bilis nilang magtransform. Kabisadong-kabisado na nila kong paano mag make up. Sampung minuto ay ready na kameng lahat umalis. Iniisip ko parin kong saan kame pupunta at bakit kame nakasuot ng gowns. Pati si miss fely ay di pahuhuli. Ang gandang bakla.

"We well crash into a party maya. Get ready" an evil smirk formed on aviona's face.

She recalled her conversation with diego a while ago. Kagagaling lamang niya sa isang nakakapagod na pagte taping para sa kanyang commercial nang pumasok sa nakatalagang tent o pahingahan niya si diego. Salubong ang kilay at ang sinumang babangga ay alam niyang magdadalawang isip banggain ang lalaki.

"Hey diegs. What's up? May problema ka? Mukhang biyernes santo mukha naten e" tumawa ako ng mapang-uyam.

"I want you to make maya beautiful avi. Make her sexy and alluring that any man will look and stared at her" takang-taka pa ako kong ano ang sinasabi ni Diego Antonio.

"Maya?"

"Yeah. I heard from amanda that you already meet. Her name is mayanera magdalena and she is Arthus, Mayanera" nagform ng O ang bibig ko. I remembered. Kaya pala parang familiar ang pangalan.

"Why?"

"I want you to crash Senator Atkinsons birthday party. Arthus will be there. Make him see HER. Make him realize how worthy she is. Make Arthus jealous avi" napatanga siya sa sinabi ni diego.

And the guy just fill her with more information she can't resist. Kuyom ang kamao at matalim ang tingin. She sure will make arthus see her.

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon