Four

5.6K 152 2
                                    

Naging mabilis lumipas ang mga araw. Natapos ang bakasyon ng magpinsan na sa huling dalawang linggo ay palageng nasa galaan at party at mag-uuwi ng iba't ibang babae. Nakakapang-init nang ulo lalo na ang aking mortal enemy, ang aking best friend. Nakakabadtrip na alam niyang naglilinis ako ay bigla bigla ba naman aapak sa pinunasan ko ng sahig at dudumihan eto

"Hoy senyorito, kakalinis ko lang niyan, nananadya ka ba talaga!" Tinignan lang ako neto at nginisihan sabay kikindatan. Natatameme na ako pagkatapos. Linsiyak ang gwapo ng bipolar na rafael arthus

Tapos alas dose ng gabi ng magising ako dahil pakiramdam ko ay may bumubulong sa tenga ako.

"Maya, iyong pakiusap ko. Pikutin mo na ang apo kong si rafael bago mahuli ang lahat" ayan na nmn ang matandang boses at hindi na ako pinatahimik. Tumayo na ako at pinuntahan ang lugar na sinabi ng senyor sev at napatda ako sa nakita ko at nanlaki ang mata. Sa pasilyo, sa mismong labas ng kwarto ng senyorito raffy at hindi pa nga nakakapasok ay naghahalikan sila ng babaeng kasama niya. Sarap na sarap sila. Napakurap ako. Gusto ko mag-iwas ng tingin dahil hindi tama ang manilip kaso para akong itinulos sa aking kinatatayuan. Bigla humapdi ang mata ko at nag-init ang aking pisngi, kasabay ang munting kirot sa aking puso. Suminghap ako. At nang tignan ko sila ulit ay nakatitig na sa akin ang malamig na mata ng senyorito raffy. Hinawakan niya ang pisngi ng babaeng kahalikan at pinutol ang halik saka mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at pinapasok ang babae. Binigyan niya ako ng huling sulyap bago siya sumunod. Ewan ba at nasasaktan ako kapag may kasamang iba ang senyorito. Sabi ni lita crush ko daw si raffy. No! Ayoko!

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon