Twenty-four

4.3K 122 0
                                    

Naging busy ang sumunod na araw sa akin. Maraming school activities idagdag pa na naghahanda rin ako para sa susunod na pictorial. Nagsearch ako ng tungkol kay miss aviona at namangha ako sa dami ng article na naglabasan patungkol sa sikat na modelo. Mukha siyang manika kaso mukhang mataray. At makakasama ko siya sa susunod. Nakakatuwa.

"Hoy maya kanina ka pa napapansin ng senyora na wala sa sarili. Tapusin mo na yang pagpupunas mo. Bagal bagal. Nagmodel lang feeling maganda na" bulong bulong ni lita

Napatingin ako at napatitig sa napakalaking portrait ng senyor sev na pinupunasan ko

"Have you seen rafael maya?" Umiling ako. Nalungkot din ako noong pabalik na kame ng remedyos. Maski dulo ng daliri ni raffy ay di ko man lang nasilayan. Namimiss ko na siyang titigan. Namimiss ko na kong paano siya tumawa. Kong paano maningkit ang kanyang mga mata. Haay. Cannot be reach talaga ang senyorito raffy kahit kelan.

"So you haven't seen him for almost three months now?" Napanguso ako

"Huwag niyo na nga akong kausapin senyor sev. Nakakainis kayo at pinaalala niyo pa" rinig ko ang tawa ng senyor na sumama sa umihip na hangin. Nagtaasan ang balahibo ko sa batok. Siguro kong matatakutin ako at hanggang ngayon ay hindi parin sanay ay baka tumakbo na ako sa pinaggagagawa ng senyor sev kaso mag-aapat na taon na ako sa mansiyon at kahit may kaba at nginig ay nakasanayan ko na lamang lunukin ang takot ko sa pamamagitan ng pagkausap din kay senyor sa hangin. Kahit magmukha akong tanga! E sa naririnig ko talaga yung boses niya!

Pagkatapos maglinis ay tinulungan ko na si manang sol sa dirty kitchen. Ganoon ang naging routine ko hanggang sa matapos ang buong dalawang linggo. Boring. Ganoon ang buhay ko sa mansiyon. Kahit gustuhin kong mamasyal ay tinatamad naman ako. Saka nagkakataon na palage akong inuutusan ng senyora sa pribado niyang sanktwaryo. Nakakailang beses akong naglalakad patungo sa pinakagitna ng kagubatan. Minsan napapatili pa ako sa gulat sa bawat kaluskos na naririnig ko.

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon