"Kissed diego back at ipakita mo kay rafael na hindi ka basta bastang sumusuko at balewala lang rin sayo ang mga pinagsamahan at nangyari sa inyo. Make him drink his own medicine. Be brave maya. Once you go outside the door there's no turning back." Lunok ng lunok si maya ng kanyang laway. Kong tutuusin ay simple simple lang ng plano at kailangan lang ng kanyang kooperasyon.
"Tingin mo kaya ko miss avi? Unang beses ko etong gagawin at s-saka-" napangiwi si maya
"Si raffy palang ang nahahalikan ko" sabay yuko dahil sa hiya. Tumawa ng aliw si aviona.
"That's good then. It's just a kiss maya. For the sake of breaking the engagement. It's for the sake of your own happiness"
"Sge. K-kapag nagawa ko ang plano. P-pwede bang pakihatid ako ng remedyos agad agad. K-kasi wala na akong mukhang ihaharap kay rafael. Magkakasala ako sa kanya. Makikipaghalikan ako sa pinsan niya!"
"Hmmn, sure. I'll make sure youre safely home in remedyos then."
Isang malalim na buntunghininga ang aking ginawa. Mahigit isang taon na ang lumipas. Iyon narin ang una at huling beses na nakita ko si rafael.
Nang nilingon ko siya dahil hindi ko na masikmura ang panunuod ng nasabing sex video ay kitang-kita ang galit at pagkamuhi sa kanyang mga mata. Nang mapunta sa akin ang tingin niya at magkatitigan kame ay bigla. Nawala ang kanyang emosyon at napalitan ng kalamigan.
Natulos na lamang ako sa pagkakatayo nang humakbang siya palapit sa akin. Nagkakagulo ang bawat bisita at sa dilim ng bulwagan ay kitang-kita namin ang isa't isa sa pamamagitan ng panggabing liwanag ng buwan.
Higit higit ko ang aking hininga nang masilayan na ang nag-iigting niyang panga at ang matatalim na mga matang nakatitig ngayon sa akin.
"You shouldn't have done something so wicked mayanera. Ipinahiya at binaboy ninyo ang kaarawan ng senador." Naumid ang aking dila sa kanyang sinabi. Hindi ako makaapuhap ng sasabhin. Gusto kong isigaw na ginawa lamang namin iyon para sa kanya. Pero mali. Kasi sa kaibuturan ng aking puso ay nakipagsabwatan ako at ginawa ang plano dahil ginusto ko. Gusto ko, dahil mahal ko siya. Gusto kong isigaw sa mukha niya na mahal kita, senyorito ko.
"Akala ko iba ka mayanera. I thought your not that heartless. I already told you to go home did I? Bakit hindi mo ginawa ang pakiusap ko. Fuck! You stained the atkinsons name with this wicked plan. Your humilating alexa. She's still a girl. Regardless of how bad her mind works. Babae parin siya. Naiintindihan mo ba ako mayanera?" lumunok ako. Naiiyak na ako. Bakit ako lang ang sinisisi niya. Ang mga pinsan at nanay niya ang nagplano! Nakakainis! Inosente ako dito.
"Go home. I don't want to see your ugly face anymore!" Nang marinig ko ang salitang ugly ay naputol na ang pisi ko at napaiyak na ako.
"Gago ka rafael! Hindi naman ako ang gumawa neto pero ako ang sinisisi mo! Tapos sasabihan mo pa akong panget. Mas panget ka! Panget ng ugali mo. Bwisit ka. Mamatay ka na" at tumakbo ako palabas ng bulwagan. Ni hindi ko na nga alam kong papaano nakauwi dahil iyak ako ng iyak. Namalayan ko nalang na nasa eroplano na ako at naramdaman ko ang masakit na kurot sa gilid ng braso ko na nagpasigaw sa akin.
"Iyak ka ng iyak bruha. Halika at uuwi na tayo. Kanina pa nakalapag ang eroplano. Ipinasundo ka ng senyora ermita. Tumawag si mam amanda. Mukha kang inggrata sa itsura mo maya. Umayos ka at magpunas. Pati uhog mo kitang-kita na" napahagulhol akong lalo nang marinig ang nanenermong boses ni lita. Ang sakit sakit.
"Senyor sev, bakit naman po ganun ang apo ninyo? Hindi na siya nagpapakita. Hindi nagpaparamdam. Hindi na siya nagbabakasyon dito sa mansiyon. Tapos hindi niyo narin ako kinakausap senyor. Nalulungkot ako. Pati ba kayo nagalit dahil nagkiss kame ni diego? Senyor hindi ko naman kasalanan yun. Hindi ko po yun ginusto. Senyor, kausapin niyo na ulit ako." Isang dapyong hangin ang naramdaman ni maya. Para bagang may dumaan sa mismong harapan niya at ginulo ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang pisngi
Nang hawakan niya ang pisngi ay mayroong tumulong luha na di man lang niya naramdaman. Hungkag na hungkag at nalulungkot siya. Hindi niya maibalik ang sigla kahit anong gawin niya.
"So you're now talking to abuelo's portrait huh', weird girl" sumikdo ang puso niya. Ang boses na yun? Napakapamilyar
Mabilis niyang nilingon ang taong nagsalita sa kanyang likuran.
"S-senyorito?" Ko, muntik niya ng masabi. Nahigit niya ang hininga ng pasadahan siya neto ng tingin. Nakapamulsa eto at nanunuri ang titig.
Ramdam ni maya ang tensiyon sa paligid. Siya rin ay pinasadahan ng tingin si rafael at unti-unting kumukunot ang kanyang noo. Para kasing pumayat ang kanyang senyorito. Anong nangyari dito? Saan eto nagpunta? Ano ang ginawa at pumayat eto sa kanyang paningin?
Rafael's lips twitched into a hidden smile. Halos ang tagal niya ring nagpagaling sa dami ng pasa na natamo niya, namumuong dugo at sakit ng katawan. Halos manlupaypay siya sa pagod at gusto ng igupo ang sarili at magpadala sa nararamdamang pagkapagod. Ngunit habang nasa pangangalaga ng mga tagahatol, habang nakikipaglaban kay kamatayan ay iisang mukha ang palageng bumabalik sa kanyang balintataw. Iisang mukha ang palageng nagpapalakas ng kanyang loob.
His sorry, he tell's her hurtful words. He needed to tell her those words for her to hate him. Ayaw niyang malulungkot eto kapag sinabi niya ang mangyayari sa kanya at kapag pinili niya eto nang mga panahong iyon. Gusto niyang siya lamang ang tatanggap ng parusa. He already asked for her hand through a letter to the council. Inaantay niya na lamang ang approval upang mapakasalan eto.
Alba - freedom's grandmother assured him that the request will be approved and granted. The old woman was certain of it kaya nmn hinanda niya ang sarili, pinilit magpagaling upang mabisita at masilayan ang kanyang mayanera. He missed her. So much.
Napalunok si rafael. Damn! It's so hard for him refraining himself embracing her in his arms.
"A-ah, sge po senyorito may gagawin pa pala ako" and she just run. Halos nagulat si raffy sa ginawa ni maya. The woman just run at halos mag-alala siya sa ginawa neto.
Tinakbuhan siya! How ungrateful. He will punished her. Hindi pa nga niya eto tapos kausapin.
Kakarating lamang niya ng remedyos at si mayanera ang agad niyang hinanap tapos ay tatakbuhan lamang siya neto.
Let's see heart. How far can you run from me? Let's see.
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...