Thirty-two

3.9K 90 0
                                    

Naglalakihang buildings ang dinaanan namin. Naiwan si lita sa remedyos dahil ako lang daw ang pwedeng sumama.

"You cannot take away my house helps Diego Antonio. What is this fuss all about that you called me in this sacred hours of mine" at nag-usap na sa espanyol ang senyora at si diego. Nakita niya pa kong paano matulala ang senyora, manlaki at manlisik ang mata. Shit!

'Tang-ina maya isama mo nalang ako. Kakainin yata ako ng buhay ng senyora. Kakatakot yung mga mata niya pag nagagalit" bulong ni lita. Ako naman ay tulala lang. Sarap na sarap ako pakinggan silang nag-uusap ng ibang lenggwahe

'For as long as my spirit lives in this mansiyon. You will be protected mayanera. I will make sure you will have your happy ending. Take care maya'

Isang ihip ang biglang nagpangilabot sa akin kasabay ng boses ng senyor sev.

'Ang lahat ng magigig kabiyak ng aking mga apo ay kinakausap ko sa hangin at sa kanilang isipan. Kagaya mo maya. Isa ka sa aking pinili at kamatayan lamang ang makakaputol ng aking iniwang pangako. Hanggang sa kahuli-hulihang Simon na makakapag-asawa ay saka lamang ako lilisan sa mundong eto at alam iyon ng aking asawa. Gagabayan kita hanggang sa iyong muling pagbabalik. Mag-ingat ka at maging matibay ang iyong puso mayanera. Lumaban ka dahil matapang ang pinalaking apo ni lupe. Huwag na huwag kang paaapi"

Ang huling salitang narinig ni maya ay nanuot sa kanyang puso at nag-iwan ng pitak. Ang boses ng senyor sev na may halos kilabot ay nakapagpawala ng sikip at alalahanin sa kanyang dibdib. Kong sana ay buhay lamang ang senyor. Yayakapin niya eto nh mahigpit at pasasalamatan.

Naisip niya kong anong klaseng tao ba ang isang Senyor Severino Simon noong nabubuhay pa eto? Maalaga at mapagmahal na ama at lolo siguro eto. Napangiti si maya sa naisip.

Halos isang oras mahigit ang binyahe bago nila narating ang isang napakatayog na building.

"Well stay at the Penthouse maya. Bumaba kana" nagtataka ko lang na sinundan ng tingin si diego. Para kasing wala siya sa mood at kanina habang nasa sasakyan ay may kausap siya sa wikang englis at espanyol at pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan dahil naintindihan ko yung sinabi niyang yeah your lucky she doesn't even understand that were talking about her.

Sa pinakadulong floor huminto ang elevator. P ang nakalagay sa pinindot ni diego. Sabi niya ay sa kanila daw ang building na eto. Lahat ng empleyado nang dumaan kame ay nag bow sa kanya tapos ay bumalik sa kanya kanya nilang trabaho. Dinaanan lamang ako ng tingin. At least hindi ako nao-awkward.

"This will be your room" nilibot ko ang paningin sa napakalawak na kwarto na may kulay puting kubrekama. Ang ganda ng pagkakakaayos at kulay ng beddings tapos mayroon pang chandelier na siyang mismong ilaw ng kwarto.  Bath tub at sariling walk-in closet na kompleto sa mga damit. Pinagsamang puti, dilaw at blue ang kulay. Masarap sa mata titigan. Napangiti na naman si maya. Ang swerte naman niya at makakatulog siya sa isang napakagandang kwarto at magmumukha siyang prinsesa.

"So you like it huh" ni hindi niya namalayan na nasa likod niya na si diego. Maya gulp at the sudden closeness. Diego wanted to laugh at how she manage to hide her uneasiness by his sudden closeness. He doesn't even want to complicate things that's why he's doing some favor for maya. She likes her for arthus. And he's brain has been running lots of ideas. Lots of plan for Arthus and maya.

"Magpahinga kana maya. I'll wake you up early morning. Amanda wants to talk to you" nahigit ni maya ang hininga at hinarap si diego.

"Si mam amanda? P-aano niya alam"

"I told her you'll be staying with me. You need a lot of rest" ginulo ni diego ang buhok ni maya saka nakangiting lumabas ng kwarto. Ang lawak lawak ng kanyang ngiti.

Rafael Arthus you'll regret whatever your doing choosing alexa over your mayanera. A wicked grin lopside on Diego Antonio's face.

Pagkalabas ni diego ay biglang natulala si maya. Hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam na para bang may kulang at kahit anong gawin niyang isip ay hindi niya alam kong papaano eto mapupunan.

"Namimiss na kita raffy. Anong nangyari? Nasaan ka? Pakikinggan ko kahit anong paliwanag mo. Patatawarin kita at yayakapin. Nalulungkot ako. Nasasaktan." napahagulhol si maya sa binitiwang mga salita. Para na siguro siyang tangang nagsasalitang mag-isa.

Kanina ay natutuwa siya dahil unang beses sa buong buhay niya ang makarating sa napakarangyang penthouse kong saan yata nakatira si diego. Sa totoo lang ay maganda rin ang mansiyon sa remedyos at ang bahay ni mam amanda. Marangya din eto. Pero iba kasi ang pakiramdam niya pagkapasok pa lamang ng penthouse. Ewan ba at parang homey ang datingan sa kanya.

Napabuntunghininga si maya saka dahan-dahang umakyat sa kama at humiga. Magulo ang isip niya. Naghalo halo lahat at iisang pangalan ng lalaki lamang ang isinisigaw.

Rafael Arthus, bakit hindi ka nagtetext o tumatawag man lang?

Hawak hawak ni maya ang celfone at kaninang umaga niya pa inaantay ang tawag o text ni rafael kaso ay hindi man lang siya neto kinontak pagkatapos niyang mapanood ang engagement announcement neto. Nagtext siya at tinry etong tawagan kaso ay hindi neto sinasagot at sa pangalawang tawag ay nakapatay na ang celfone.

Napalunok si maya, nag-iinit na naman ang sulok ng mata niya at naiiyak na naman siya. Masakit na rin ang kanyang lalamunan sa pagpipigil na huwag umiyak. Sobra sobrang sakit ng puso ang ibinibigay neto.

Gusto niya etong makita. Sabi nga ni lita give him the benefit of the doubt maya . Natatakot din siyang posible na pagkatapos siya netong makuha ay iiwan nalang siya netong bigla. Hindi ganun ang pagkakakilala niya sa kanyang senyorito. May paninindigan eto at totoo sa mga salitang binitawan kaya kakapit siya. Kakapit siya at magtitiwala hanggang sa eto na mismo ang magsabi na ayaw na neto sa kanya. Hanggang sa manggaling mismo sa bibig neto na niloko nga siya at pinaglaruan. Pinaasa para lamang bumigay siya at maikama neto.

Napapikit si maya. Sana mali siya ng iniisip. Sana. Sana

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon