Twenty

4.5K 107 0
                                    

Natapos ang bakasyon ng magpinsan. Nakahinga ako ng maluwang ng makaalis na sila. Ayoko ng mag isip ng mga bagay na makapagdudulot sa akin ng sakit, pighati at di matawarang pag-asa na sa bandang huli ay hindi naman pala makatotohanan.

Hindi ko pinagsasagot ang text at tawag ng senyorito rafael at kahit ilang beses siyang magalit, singhalan at taliman ako ng tingin ay binibigyan ko lang siya ng aking malalamig na tingin. Ayokong maging isa sa mabibiktima niya. Tama nang umasa ako at ngayong alam ko kong saan talaga ako nakalugar sa puso at buhay niya ay dinidistansiya ko na ang aking sarili. Ayoko ng mas madagdagan pa ang pagkagusto ko sa kanya. Huwag ng umasa maya. Hindi ikaw si cinderella.

Nagsimula ang pasukan. Hindi ko maintindihan kong bakit parang may kulang akong naramdaman. Isang kahungkagan na kahit anong pilit kong maging masaya ay hindi naging lubos ang kasiyahang iyon. Ganoon parin ang naging routine ko. Bahay,  eskwela at trabaho ko sa mansiyon.

Dalawang buwan ang lumipas na naging malungkot ang mansiyon. Sumasaya lamang eto at nagkakaroon ng sigla kapag dumarating ang magpipinsan at nagbabakasyon. Maingay at magulo na nakapagpangiti sa aming mga kasambahay dahil miminsan lamang kame makakita ng ibang tao sa totoo lang.

"Are you really avoiding me mayanera?" huling linggo ng magpipinsan nang harangin ako ni rafael at hawakan ng mahigpit ang aking braso saka ako kinaladkad papasok ng kanyang kwarto 

Inangat ko ang aking tingin at seryosong tinignan ang senyorito rafael

"May kailangan ba kayo senyorito? Marami pa po kasi akong gagawin" seryoso ako netong tinitigan. Pakiramdam ko ay binabasa ni rafael maski kaloob looban ko.

"Damn it! What happened heart? Why aren't you answering my calls and texts? May problema ba?" Masuyo netong hinawakan ang aking mukha at nanunuot ang kanyang nag-aalalang titig sa aking kaibuturan. Napalunok ako. Bigla lumalambot ang tuhod ko at ang aking puso ay nagsimulang lumambot sa kanyang napakasuyong boses.

Nagbabara ang aking lalamunan. Naiiyak ako. Pinilit kong salubungin ang tingin ng senyorito

"Tigilan mo na ako senyorito. Alam ko naman na ikakasal ka na kay mam alexa. Siya yung babaeng ipinagkasundo sayo di ba?" Umawang ang labi ni rafael. Naningkit ang kanyang mga matang nakatitig sa seryosong mukha ni maya

I Crush You, Senyorito ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon