"Kalimutan mo na yan sige sige maglibang, wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang, ang problema sa lalaki dapat ay hindi iniinda-"
"Mayaaaa" lita groaned sabay pinandilatan ako. Ang lakas ng tugtog sa headset na suot ko. Finull volume ko kasi. Iritang-irita ako kay raffy at sa fiancee neto. Aba'y palage kong nakikitang naglalampungan at inis na inis ako. Gusto kong sabunutan ang babae kahit gaano pa siya kaganda para lang magkaroon ng peklat at hindi na siya perfect sa paningin ko. Mabait at palangiti tapos ay maganda na, saan ka pa kaya siguro mahal na mahal siya ng senyorito. Halata naman. Tapos ako at ang puso ko ay gusto ng magwelga. Masyado siyang attentive na kulang nalang hindi niya padapuan ng lamok ang babae. Ibang-ibang senyorito rafael ang nakikita ko at di ko maiwasang managlihi. Naiinggit ako at hindi ko na halos maitago ang sakit dahil sa loob ng isang linggo ay lage kong nakikita kong paano sila magtinginan na parang sila lang ang tao sa mundo at hindi kame nag-eexist. Gaya ngayon at umagang-umaga sinisira nila ang araw ko. Sinusubuan ng senyorito ang kanyang fiancee na sa di malamang dahilan ay hindi ko inalam ang pangalan gaga nagseselos ka lang mayanera!
Hindi. Huwag ka ngang umepal jan.
Nginuso sa akin ni lita ang mga kumakaen ng almusal. Lahat sila nakatingin at natatawa. Paano ay kanina pa ako nagcoconcert. Sinasabayan ko ang kanta ng EX-B sa headset na suot ko.
"Why, i didn't know you have a lovely voice magdalena" si maam amanda na may kislap ang mga mata. Si maam amanda lang talaga ang tumatawag sa akin ng pangalawa kong pangalan, parehas sila ng anak niya na binubuo ang pagtawag dito.
"Maya, kanina pa eto tumutunog" inabot sa akin ni manang sol ang celfone kaya kinuha ko eto at tinignan ang caller.
"Joshua?" Si lita na napalakas ang boses.
"Sinong joshua?" tanong ni sir diego
"Isa sa manliligaw ni maya sir" mabilis na sagot ni manang sol saka nagpaalam na babalik na sa ginagawa. Napasimangot ako sabay sagot sa telepono
"Ano! Tawag ng tawag. Magkausap lang tayo kagabi. Jusko joshua ha. Makukurot kita sa singit" inis kong pakli. Paano ay magdamag ko na siyang kausap at hindi niya talaga ko tinitigilan hanggang sa matapos siyang magkwento ng magkwento ng mga walang kwentang bagay
"Maya, anong gagawin ko. Nagreply na siya. Hu u daw"
Natawa ako"Gagi magreply ka. Ge na may ginagawa ako. Istorbo ka. Bye bye" binaba ko na ang celfone at pinagpatuloy ang pagpupunas sa mga estante ng lagayan ng baso, plato at kutsara.
"May bf ka na maya?" Tanong ni maam amanda
"Ay marami yang bf si maya maam amanda. Palage yang may katext at katawagan magmula ng magka celfone. Maraming bulaklak na tinatapon niya lang at inuuwi ang mga tsokolateng binibigay ng manliligaw niyan"
"Really" sabi ng fiancee ni raffy
"Wow ang ganda mo te" sabi noong fiancee ni sir diego.
Napakamot ako sa ulo ko. Nakakainis talaga si lita masyadong makwento. Ayoko ngang malaman ng mga amo ko na may mga nanliligaw sa akin tapos andito pa ang senyorito raffy. Mas lalong ayokong malaman niya na maraming nagkakagusto sa akin. Naiinis talaga ako kasi inuwi niya ang fiancee niya, ibig sabhin seryoso na talaga siya at magpapakasal na sila. Napahawak ako sa dibdib ko bigla. Kumirot kasi. Tapos bigla nag-init ang sulok ng mata ko. Naiiyak ako at di ko alam kong bakit.
"Maya, ayos ka lang ba? Natulala ka na kasi. May tinatanong si maam amanda sayo" napakurap ako. Nang tignan ko ang senyorito raffy ay nakatingin din pala eto pabalik sa akin. Kunot na kunot ang noo at nagtataka. Mas lalong kumirot ang puso ko.
"E-excuse lang po" mabilis kong sabi at nagmamadaling lumabas ng dining at pumasok sa kwarto namin. Napasandal ako sa likod ng dahon ng pinto at hinagod ang naninikip kong dibdib. Bakit ako nasasaktan?
Sabi ni lita noon may gusto sa akin ang senyorito, hindi ako naniwala, hindi ako nag expect. Sinasabi ng isip ko na babaero ang lahat ng apo ng senyora. Mga fuck boy at heart breakers silang lahat kaso kabaligtaran ang nararamdaman ng puso sa sinasabi ng isip ko at hindi ko napaghandaan ang malaking dagok ng makita ko at masaksihan kong paano mainlove ang senyorito. Isang kakaibang pakiramdam ang lumukob sa akin at napaglalamangan ako ng sarili kong puso.
Gusto ko ang senyorito rafael. Pero alam ko na past time lang ang tingin niya sa akin. Natutuwa siyang nakikita akong naiinis at nagagalit. E paano naman yung ilang beses ka niyang hinalikan maya? Hindi ka parin ba niya gusto?
Umiling ako. Kumurap at saka ko nalamang umiiyak na pala ako. Masikip ang dibdib.
"Hindi ko alam na ganito pala pag broken hearted. Ang sakit ng puso ko" impit akong humagulhol. Bakit naman ako nasasaktan ng ganito. Diba nga crush ko lang ang senyorito. Dapat hindi ganito.
Ilang minuto din akong umiiyak bago ko napatahan ang aking sarili
"Sabi niya sa kanya daw ako, Sinungaling pala siya!" Inis kong pakli.
Nag-aalburoto talaga ako. Naiinis ako. Alam ko, nararamdaman ko na may kakaiba akong nararamdaman para kay senyorito at natatakot ako sa posibilidad na nagugustuhan ko na siya.
"Accept it maya, you like my grandson. You always talk about him with lita" iyan ang binulong ng senyor sev sa hangin na ikinalaki ng mata ko at ikinataas ng balahibo ko sa batok
"Over my dead and sexy body senyor!" Malakas kong sigaw sa napakalaki niyang larawan
Narinig ko na lamang ang malakas na halakhak ng senyor. Naintindihan ko yung englis niya huwag lang yung malalalalim at mabilis magsalita na parang kinakaen na yung englis
"Aminin mo maya, nalulungkot at nangungulila ka sa apo ko. Namimiss mo ang pang-aasar at paghalik niya sayo" tumili ako na mas ikinahalakhak ng senyor.
Ayokong aminin dahil alam ko totoo ang sinasabi ng senyor. Hindi ko alam na unti-unti na palang nakakapasok sa puso ko ang masunget at bipolar na apo ng senyor sev. Unti-unti narealize ko na mahirap pa lang kalabanin ang puso kapag may nagugustuhan na eto.
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...