"Susunduin ka ng driver ko kapag na finalize na ang contract mo magdalena, kapag nagsimula na ang training mo ay sa bahay ka muna titira okay" nakangiti ang maam amanda. Gustong-gusto niya ako dahil nag-iisang anak lang ang senyorito ay hindi na sila nakabuo ng isa pa ng sir arthur at gustong-gusto ni maam amanda ng anak na babae kaso ay takot na siyang magbuntis ulit dahil nagkaroon ng komplikasyon ang matris niya noong manganak siya kay rafael.
"Your name is mayanera magdalena? What a beautiful name" tapos ay pinasadahan ako neto ng tingin at bigla nawala ang ngiti neto sa labi ng makita ang suot suot kong napakaikling shorts at hanging blouse na halos kita na ang pusod at hindi ko nagugustuhan ang mapanuri netong tingin
"May problema kayo sa suot ko madam?" Nagulat yata eto sa taray ng boses ko kaya nmn ng mag-angat eto ng tingin ay sinimangutan ko eto
"Ganito po ako magdamit. This a free country. Komportable po ako sa suot ko at sasampalin ko ang sinumang mambastos sa akim" kakitaan ng gulat ang mukha ni maam amanda dahil sa pagtataray ko
"Still panget ka parin mayanera" mas lalong kumulo ang dugo ko ng sumulpot bigla ang senyorito raffy
"Nakakainis na yang panalalait mo sa akin senyorito ha, babangasan ko na talagang yang pinagmamalaki mong gwapong mukha" ngumisi lang eto sa akin saka nilapitan si maam amanda at hinalikan neto sa ulo. Napanguso ako bigla. Unang beses ko noong makita na may pagka sweet din pala ang senyoriyo raffy
"Hmmn, i like you iha. Can i call you magdalena. Oh. I want to call you magdalena" kumindat ang maam amanda at iniwan kong nakatanga. Napapadyak tuloy ako sa inis dahil para akong naisahan. Parehas sila ng ugali ng anak niya. Bossy.
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...