"Did you land safe?"
Pinakita ni maya kay lita ang text ni rafael. Di niya kasi masyadong naintindihan ang text. Sabi ni lita replayan ko daw ng oo tapos bahala na daw ako sa iba pang sasabhin ko kay rafael.
"Oo. Ikaw ba jan kmusta?"
Nang magsend ay nagreply din agad si rafael. Aba at wala talagang ginagawa ang senyorito niya.
"Missing you already" ang basa ni maya sa reply ni rafael. Muntik na tuloy niyang mabitawan ang celfone. Napangiti siyang bigla. Nangningning ang mga mata.
"Uuuyy, kinikilig si mayang malandi" tinignan ko si lita at pinandilatan. Tumawa lang ang bruha. Nagtuloy-tuloy ang pagtetexsan nila hanggang sa makarating sila ng mansiyon. Sumalubong sa kanila ni lita ang senyora ermita na seryosong-seryoso ang titig kay maya.
Nagtinginan tuloy sila ni lita. Parehas silang kinakabahan.
"Gusto kitang makausap sa library maya" at nauna na ang senyora na naglakad papuntang library com office neto
"M-may ginawa ba ako lita? Kinakabahan ako. Nakakatakot talaga tumingin ang senyora ermita" napangiwi nmn si lita at naaawang tinignan si maya.
"Sge na puntahan mo na. Baka may importante lang na sasabihin. Kilala mo ang senyora, hindi hindi yun basta basta nagagalit" napahinga ako ng malalim at sa nanginginig na binti ay tumungo ako sa mismong library. Iniwan ng senyora na nakabukas ang pinto kaya nang sumungaw ako at senenyasan na pumasok at e lock ang pintuan ay siyang ginawa.
Kabang-kaba akong nakayuko at di masalubong ang naninitang titig ng senyora ermita. Ang unang beses na nakitaan ko siya ng galit ay noong kinaladkas si maya ng kanyang mga tauhan. Naaawa ako sa anak ni manang fria. Gustong-gusto ko noong tumulong kaso ay pinigilan ko ang akuming sarili. Anong karapatan kong manghimasok sa problema ng iba.
'Let it be done maya iha. It is it's well. Hayaan mong mangyari ang nakatakdang mangyari. Don't let yourself involve. Help just when it is needed my dear' ang bulong ng senyor sev sa hangin na naabot ng tenga ko.
Kaya wala akong nagawa kundi panoorin ang kaawa-awang si freedom. Umiiyak, nagmamakaawa. Pati ako ay naiyak sa kanyang sinapit.
"Come closer maya" punong puno ng otoridad na sabi ng senyora. Inabot niya sa akin ang isang envelope. Taka ko naman etong tinanggap.
"Open it" na siya kong ginawa. Nang tumambad sa akin ang iba't ibang pictures ay nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. Kumabog ang puso ko sa takot. Nanginginig ang aking binti at anumang oras ay iiyak na ako.
"I warned you the first time didn't I maya? I told you not to fall in love with my grandsons!" Napaigtad ako sa sigaw ng senyora. Napaatras ako sa takot. Bigla niya kasing hinampas ang mesa na nagpatalsik sa ilang folders at papel na nakapatong.
Nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata. Napayuko ako.
"You just get yourself involved and now you already are in danger" hanggang sa tuloy tuloy na umagos ang aking luha. Wala akong maintindihan. Ang involve at in danger lang ang naintindihan ko sa mga sinabi ng senyora.
"Look at me maya. Look into my eyes" pilit kong pinapatahan ang aking sarili. Kuyom ang kamao na pinahid ang luha. Mabigat ang dibdib ko.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng nadidismayang mukha ng senyora.
"You know that we are not just an ordinary family maya. Pero dapat ay hindi mo hinayaan ang sarili na mas mahulog pa sa aking apo. The Atkinsons were doubtful and afraid the union of our families might come to waste. They sent a spy. Nakuhaan kayo ng litrato ng isa sa tauhan ng mga atkinsons" itinuro ng senyora ang iba't iba naming litrato ni raffy. Nakayakap siya sa akin at nakaupo ako sa kanyang kandungan
"Once that pictures reached through the hands of their patriarch ay sinisigurado ko na tutugisin ka at hindi na sisikatan ng araw kinabukasan" halos pawalan ako ng hininga sa bulong lang na sinabi ng senyora na umabot sa mismong tenga ko.
"Sa simula pa lang ay alam mong ikakasal na si rafael sa babaeng nakalaan para sa kanya at itinalaga ng pamilya. Dapat ay umiwas kana maya" hinang-hinang umupo ang senyora at kababaksan ng pagkahapo at iilang dagdag na gatla sa noo ang kanyang mukha.
Mapait akong lumunok at nagpahid ng di maampat na luha na patuloy na tumutulo. Nagsisikip ang dibdib ko. Nasasaktan sa nangyayari at sa rebelasyong sinabi ng senyora. Idagdag pa ang mga pictures na sa di malamang dahilan ay nakakapagdala ng takot sa aking sistema.
Kong kaya ko lamang pigilan ang aking pusong tumibok kay rafael ay ginawa ko na. Kong pwde ko lamang piliin ang taong mamahalin ko ay ginawa ko na.
Isang malalim na buntunghinga ang narinig ni maya kay senyora. Nang tignan niya eto ay hinihilot neto ang sentido at batok habang malayo ang tingin.
"Sge na at magpahinga kana maya" dismisa ng senyora. Mabilis na tumalilis si maya at kahit nanghihina ay nakarating siya sa kwarto nila ni lita. Nang makapasok ay sinalubong siya ng nag-aalalang tingin ni lita.
"Ayos ka lang maya? Anong sabi ng senyora ermita?" alala netong tanong at hinawakan sa braso si maya.
Napadausdos si maya sa lapag. Niyakap ang tuhod at tuloy tuloy na umiyak. Awang-awa si lita sa sinapit ng kaibigan. Pati si manang sol ay napapasok sa kwarto dahil sa narinig na pananangis ng dalaga. Nag-aalala netong niyakap si maya.
"Magiging maayos ang lahat anak. Magtiwala ka sa nas ITAAS" pinahid ni lita ang punong-puno ng luha na mukha ni maya
"Tumigil ka na bestfriend. Parang kinakatay kasi ang pag-atungal mo masakit sa tenga" sinapak niya si lita habang paunti-unti nabawasan ang sikip ng dibdib. Nagpapatawa na kasi eto
"Huwag kana umiyak. Magkwento kana nga lang. Hindi ka naman siguro ipapapatay ng senyora"
"Marilita!" sita ni manang sol sa apo sabay pitik sa noo ni lita na nakapagpangiti kay maya. Hanggang sa natawa na siya ng panlakihan ni lita ng mata ang lola neto.
Hindi alam ni maya kong bakit nanatili ang takot sa kanyang puso sa bawat salitang sinabi ng senyora ay tumatak yun sa isip ni maya at tumagos sa kanyang puso. Naguguluhan siya. Natatakot.
Mali ba ang magmahal? Mali ba ang mahalin ang kagaya ng isang Rafael Arthus Simon?
BINABASA MO ANG
I Crush You, Senyorito ✔
ChickLitThe Simon's series 2 #1 in Action Mayanera Magdalena Quintos was orphaned at sixteen. Her mother died giving birth to her and his father left them for another woman. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lola, ang ina ng kanyang INA. But the old w...