Nakatingin lang si Bryl habang magkayakap sina Kaine at Maki sa harapan niya.
Bakit pakiramdam niya ay biglang nawala ang kalasingan niya.. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na may yelo. Bakit siya nakakaramdam ng sakit? Bakit bigla ay may naramdaman siyang kirot sa puso.
Bakit siya nasaktan?
Baka naman kasi nasanay lang siya na siya lang ang lalaki sa buhay ni Maki. Nasanay siya na siya lang ang kino-comfort nito. Nasanay siya na SIYA lang.... Well minsan, masama rin talaga yung sinasanay mo ang sarili mo sa mga bagay ---- gayung alam naman nating lahat na wala naman talagang tumatagal sa mundong 'to. Lahat nagbabago... In life... there's nothing certain...nothing constant..
❤❤❤
"Masaya ka ba talaga?" nakangiting tanong ni Indie kay Chantal. "Parang hindi naman eh.." nasa may hallway pa rin sila at magkatapat na nakaupo.
"Masaya ko!" mabilis na sagot ni Chan. "Kaso siyempre...medyo natatakot... Natatakot na--- baka masaktan niya 'ko ulit. Pero I have no regrets. Kung ano man ang mangyari, so be it. Ganun naman talaga kapag nagmamahal ka diba? Hanggat kaya mo susugal ka."
"Well tama ka naman..." napatangong sabi nalang ni Indie. "Hmm..bakit nga pala kayo nagbreak noon ni Seven? If you don't mind... pwede mo bang i-share?"
Napahinga muna ng malalim si Chan bago tuluyang nagsalita.
"Actually... Ganito kasi 'yon... Nainis ako non sa kanya kasi whole day siyang hindi nagparamdam tapos Hindi ko naman alam kung bakit.. O kung anong problema niya.. Tapos gumanti lang din ako, the next day hindi na rin ako nagparamdam sa kanya buong araw tapos nung sumunod na araw.. Nabalitaan ko nalang...may bago siyang dinidiskartehan.. kasi sabi pala ni Seven..wala na kami. Wala na pala kami pero hindi man lang ako nainform. Then ayun, nag-usap kami sa school canteen. Wala na nga daw pala kami.. Mula daw nung hindi ako nagparamdam.. Eh samantalang gumanti lang naman ako non. Tapos ayun na, final na pala yung decision niya.. Pinag desisyunan niya mag-isa yung bagay na dapat sana ay pagdesisyunan naming dalawa. Haist... Grabe talaga si Seven." napapabuntong hininga nalang siya kapag naaalala niya ang mga nangyari.Napangiti lang si Indie at napailing..
"Pero mahal na mahal mo no?""Oo naman.." ngiti ni Chan. "Hindi naman ako makikipagbalikan kung hindi ko na siya mahal eh. Umaasa ako na magbabago pa siya."
"Paano kung hindi pa pala siya nagbabago?" tanong pa ni Indie. "Paano kung saktan ka niya ulit? Hanggang saan ba ang limit mo?"
"Bahala na... basta hanggat kaya ko pa ..I'll stick to him. Hahayaan ko nalang na kusang sumuko ang puso ko."
❤❤❤
"Kaine okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Maki kay Kaine ng maghiwalay ang mga katawan nila mula sa pagkakayakap.
"Magiging okay din ako.." mahinang sagot ng lalaki. "Salamat sa pag-aalala... Sige, dun na muna 'ko sa living room.."
"Sige Kaine..." sabay tango nalang ni Maki at naglakad na palabas sa dining area ang lalaki. Nakita pa niyang nagtitigan pa muna ng masama sina Kaine at Seven. Napabuntong hininga si Maki sabay tingin ng masama kay Seven. "Wala na nga sina Bryl at Indie... pati ba naman relasyon nina Kaine at Chantal sinira mo? May konsensya ka pa ba?"
"Yung kina Chantal, kasalanan ko ba kung ako ang pinili niya over Kaine?" ngisi ni Seven. "Pero yung kina Bryl, ano namang kinalaman ko don??"
"Ano nga namang alam mo no?" ngisi ni Maki. "Eh wala ka naman kasing pakialam!"
"Alam mo Maki.." ngisi ni Seven. "Why don't you just be grateful?? Diba dapat mag thank you ka sa'kin?? You like Kaine right?? Oh ayan! Single na siya.. its your turn! Tutal naman patay na patay ka sa kanya diba? Landiin mo na! ITO NA OH! PAGKAKATAON MO NA!!"
Nagulat si Maki nung mula sa likuran niya ay lumusob si Bryl palapit kay Seven at agad itong nagbigay ng malakas na suntok.
"VUTTTTSSSSSS!!!!" malakas na sigaw ni Maki sabay awat sa magkapatid.
Nagpapalitan ng suntok ang dalawa at walang magawa si Maki kundi ang sumigaw at pinipilit niyang awatin ang dalawa...
"MAPAPALAMPAS KO PA YUNG PAG-EPAL MO SAMIN NI INDIE PERO WAG NA WAG MONG BINABASTOS ANG BESTFRIEND KO!!!!!" malakas na sabi ni Bryl habang patuloy sa pagpapalitan ng suntok ang dalawa.
"BRYL, SEVEN!!! TAMA NA YAN!!!" sigaw ni Maki at medyo gumaan ang pakiramdam niya nung pumasok sa dining area sina Chantal at Indie.
"SEVEN!!!!" malakas na sigaw ni Chantal at mabilis siyang lumapit at niyakap nalang ang lalaki palayo kay Bryl...
Ganun din si Indie na agad tumakbo palapit kay Bryl para awatin ito..
"Bryl stop it.." mahinang pakiusap ni Indie."Buti dumating kayo!" nakahingang sabi ni Maki sabay hawak sa ulo. "Kanina pa 'ko referee dito... Kaka stress.."
"Seven anong nangyayari??" nag-aalalang tanong ni Chantal sa lalaki.
"Wala 'to.." sagot nalang ng lalaki at agad nalang niyang niyakap si Chan.
"Bryl... Are you okay?" tanong naman ni Indie kay Bryl.
"Hiniwalayan mo 'ko ng walang sapat na dahilan kaya ako nagkakaganito... Tapos tatanungin mo kung okay ako?" ngisi ni Bryl sabay patak ng luha.. "Yung para mo 'kong sinaksak ng paulit-ulit tapos magtatanong ka kung masakit??" di na napigilan ni Bryl ang umiyak. Wala na siyang pakialam kung magmukha man siyang nakakatawa. Basta sa mga sandaling 'to...gusto niyang lumuha..
"Bryl....." napaluha ring bulong ni Indie at agad niyang niyakap ng mahigpit ang lalaki. "I'm so sorry..."
"Round 2 na nga 'to eh..." napapailing na sabi ni Maki. "Kanina sina Kaine at Seven ang nagsuntukan."
"SI KAINE??" nagulat na tanong ni Chantal. "Nasan na si Kaine??"
"Sa living room..." sagot ni Maki.
Biglang nakaramdam ng pag aalala si Chan para kay Kaine at bumitaw siya sa pagkakayakap ni Seven.
"Seven.. Pwede bang puntahan ko muna si Kaine? Check ko lang kung okay siya.""Hindi mo na kailangang gawin 'yon. For sure he's fine. Kaya na niya ang sarili niya." pigil ni Seven. "Hindi mo na siya kailangang i-comfort."
"Ako nalang ang bahala kay Kaine.." sabi nalang ni Maki na agad ng lumabas sa dining area at napatingin nalang si Chantal.
❤❤❤
Umupo si Maki sa tabi ni Kaine na nakaupo sa sofa.
Bakas sa mukha ng lalaki ang matinding lungkot...
"Anong sabi ni Zero kay Eight?" seryosong tanong ni Maki sa lalaki.
"Bakit ka naka belt?" hula ni Kaine..
"TAMA! haha pano mo nalaman?" natatawang tanong ni Maki. "Oh ito nalang, anong sabi ni 1 kay 10?"
"Buti ka pa, may kasama.. ako nag-iisa." sagot naman ni Kaine at natawa si Maki.
"Eh anong sabi ni 4 kay 6?" tanong ulit ni Maki.
"Buntis ka ba?" sagot ni Kaine sabay iling at tawa... "Ang luma naman kasi ng mga jokes mo Maki pero okay na din...napangiti mo naman ako kahit waley mga Banat mo."
"Eh eto,anong number ang pinaka malupet?" tanong ulit ni Maki..
Napaisip si Kaine at napangiti.
"Ano?""Edi 7!" mabilis na sagot ni Maki. "Kasi nakasira siya ng dalawang relasyon!"
Natawa lang si Kaine at napatango.
"Havey!""Oh diba? Galing ko mag-joke! Haha.."
"Parang Kahapon lang ako pa yung nag-co-comfort tapos ngayon ako naman ako naman yung kino-comfort. Thank you Maki!" sincere na sabi ni Kaine at napangiti lang si Maki.
"Actually alam mo ba, ako na yata ang pambansang comforter ng Pilipinas eh! Haha..." natatawang sabi ng babae at natawa nalang din si Kaine. "Kaso alam mo ba kung anong masaklap sa pagiging comforter...? Kase at the end of the day...sila talaga yung maiiwang luhaan kasi hindi nila namamalayan...na f-fall na sila dun sa taong kino-comfort nila."
Natahimik lang si Kaine at napaisip.. Tama naman si Maki...
At the end of the day.. Sila talaga yung maiiwang luhaan. Ayun yung tinatawag na... 'Hindi Inaasahang Pagkahulog'
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018