"Bakit nawalan ng electric supply?!" inis na tanong ni Seven kay Mang Isko.Nasa may pool area sila noon ng care taker na si Mang Isko.
"Pumutok yung main fuse Sir Seven.. Pero tumawag na ho ako sa electrician kaso baka ho matagalan pa..Wala na ho kasing bangkang tumatawid papunta dito sa isla kapag ganitong oras na." napakamot sa batok na sabi ng lalaking nasa fifty na ang edad.
"Tsk! What the fuc*!" napapailing na angal ni Seven. "Sa dinami dami naman ng panahon, bakit nyayon pa nasira? Kung kelan nandito ako!"
"Mang Isko.." biglang tawag ni Kaine na agad na ring lumapit sa matanda. "Nasan na ba si dad? Pupunta pa ba siya?"
"Oo daw ho Sir Kaine.." napatangong sabi nalang ng matanda. "Baka bukas ho. Hindi ko rin ho alam."
"Mang Isko,wala po bang bangka?" tanong naman ni Bryl na agad na ring lumapit kina Mang Isko.
"Nako Sir Bryl, wala ho eh.." napakamot sa batok na sabi ng matanda.
"So pano na tayo nito?" inis na tanong ni Seven. "Kelan ba maayos ang supply ng kuryente? Lobat na ko eh!"
"Please lower your tone Seven. Hindi mo kaedad ang kausap mo." mahina pero madiing sabi ni Bryl.
"Eh ano bang paki mo?!" inis na sagot ni Seven. "Kakausapin ko siya sa paraang gusto ko!"
"Tama naman si Bryl eh! Hindi ka dapat ganyan magsalita sa mas matanda." sabi naman ni Kaine. "Kung bastos ka, ilugar mo! Lobat ka lang pumuputok na yang butsi mo!"
"Eh bakit ka ba nangingialam?!"
Lalapit na dapat si Seven kay Kaine upang sugurin ito at para kwelyuhan nung biglang dumating si Chantal at patakbo siyang lumapit kay Seven."Stop it guys!" awat ng babae sabay hawak sa braso ni Seven. "Awat na..."
Napatingin si Kaine sa kamay ng babae na nakahawak sa braso ng kapatid niya.
Saka lang napansin ni Seven na nakawak si Chantal sa braso niya. Napalunok siya non at kasabay non ang kusang pagbitaw sa kanya ng babae.
Napailing nalang si Seven at napangisi..
"Bakit pa kasi ako sumama dito eh. Wala namang KWENTA yung mga kasama ko." at agad na itong umalis sa pool area.Naiwan nalang duon sina Bryl, Chantal, Mang Isko at Kaine at nagkatinginan nalang sila.
"Pasensya na po kayo sa inasal ni Seven." paghingi ng tawad ni Bryl sa matanda.
"Ayos lang ho Sir Bryl.." napatangong sagot nalang ng matanda. "Naiintindihan ko naman ho si Sir Seven."
❤❤❤
"So nag away-away na naman kayo?" nabiglang tanong ni Indie kay Bryl habang nasa kitchen sila.
Isang kandila lang ang nagbibigay ng liwanag sa kusina habang naghihiwa ng mga gulay ang babae na isasahog niya sa lulutuing nilagang baboy.
Si Bryl naman ay nakaupo lang at pinapanuod si Indie.
"Ayoko nang pag-usapan babe.." mahinang sabi ni Bryl. "Ah wait, sure ka ba na ikaw talaga ang magluluto niyan? Baka gusto mong tawagin ko si Maki para tulungan ka."
"No need. Kaya ko na 'to babe." nakangiting sabi nalang ni Indie. Hindi niya naman talaga kailangan ng tulong lalo na kung galing kay Maki. Masyado na kasing itong maraming ganap sa buhay ni Bryl.
"Okay," napakibit balikat na sabi ng lalaki. "Oo nga pala babe, next time, ayoko na dumidikit ka kay Seven."
"Nagseselos ka babe?" natatawang tanong ni Indie.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Novela JuvenilHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018