Nakasimangot pa rin si Amber habang naglalakad at habang nakatingin kina Chan at Kaine..
"Diba ex ni Seven 'yang si Chantal?" mahina niyang tanong kay Nicole at tumango naman ito bilang pagtugon. "And so tapos ngayon naman nililigawan siya ni Kaine? So sinong next? Si Bryl?? Bat di niya pa isunod si Tito Lemuel? Tutal naman mukhang uubusin niya ang mga San Miguel eh!"
"Pshhh! Quiet ka nga lang Amber , baka marinig ka nina Kaine!" sabay siko ni Nicole kay Amber.
"Eh nakakainis kasi eh!" mahina pero gigil na sabi ni Amber.
"Relax Amber! Hindi pa naman sila eh, stop thinking about it! Malay mo naman diba, biglang itigil ni Kaine ang panliligaw." pagpapalubag ni Nicole sa loob nito. "Smile Amber! Come on! Kung sina Bryl at Indie nga, nagbreak diba??"
"So feeling mo ba, na dahil wala na sila, ay may chance ka na kay Bryl?" ngisi ni Amber.
"Yeah! Pwede!" masayang sabi ni Nicole at nung makita niya si Maki sa dagat ay agad niya itong kinawayan. "Hi Babs!!"
"Feeling close?" nakangiwing tanong ni Amber.
❤❤❤
Sabay umahon sa dagat sina Maki at Joseph at napatingin sila sa yate.
Nakita nila na dumating ang grupo nina Amber. Napapailing nalang si Maki nung tawagin siyang Babs ni Nicole.
"Sino 'yung mga dumating?" curious na tanong ni Joseph.
"Mga schoolmates namin.." nakangiting sagot ni Maki at napangiti din ang lalaki.
"Maki..." biglang sabi ni Joseph kaya napasulyap siya sa banda nito.
"Oh?"
"Lagi akong napapaisip kung paano kita mapapasaya." seryosong sabi ng lalaki at natawa lang si Maki.
"Masaya naman ako ah." sabi ni Maki at umupo sa may buhanginan.
"Masaya? E' bat hindi ko makita? Nagrereflect sa mga mata mo yung lonely soul mo." sabi pa ng lalaki na agad na ring umupo.
"Dami mong alam Joseph!" natatawang sabi ni Maki. "Pati kaluluwa ko dinamay mo!"
"Seryoso ko okay? kaya pakinggan mo 'ko! Minsan lang 'to." natatawa pang sabi ng lalaki. "Alam ko na yung taong dahilan kung ba't ka nalulungkot ay siya ring tao na may kakayahang pasayahin ka. Gusto ko pa sana mag-effort pero alam kong wala naman akong maitutulong."
"Ang drama mo ah! Hindi ko ine-expect!" natatawang sabi ni Maki pero deep inside ay napaisip din siya. Tama si Joseph. "Teka nga lang, kumusta naman ang love life mo?"
Natahimik bigla si Joseph at napatingin sa dagat..
"Si Jane, mahal na mahal ako non. Minsan nga naiinis na 'ko eh, ang oa kasi minsan, gusto niya lagi kaming sweet, gusto niya siya lang, pati tropa ko pinagseselosan niya. Minsan nga nababalewala ko na siya..kase siguro nga dahil alam ko namang hindi niya ko kayang iwan kahit anong gawin ko, kaya ayun, nasamantala ko ang pagmamahal niya, naging abusado ako, naging mayabang.. tapos---------""Tapos iniwan ka na niya?" biglang dugtong ni Maki.
"Tumpak Ganern!" sagot ni Joseph at natawa ng malakas si Maki.
"Eh tanga ka kasi eh! Nakahanap ka na ng babaeng magmamahal sa'yo ng todo tapos sinayang mo pa! Buti nga sa'yo!" diin ni Maki. "Hindi purket tanga siya sa'yo ngayon e' tanga na 'yan sa'yo habangbuhay! May hangganan ang pagiging tanga Joseph! Kapag nasagad na, susuko at susuko din yan. Hindi dahil sa hindi ka na niya mahal, kundi dahil narealize lang niya ang tunay niyang halaga na hindi mo makita-kita!"
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018