"Ano ka ba, mukhang okay lang naman kay Indie na mag-usap tayo. Parang ni hindi nga siya nagselos eh." sabi ni Alessa. Nasa side sila ng yate at nakaharap sila sa dagat.
"Wag mo na 'kong inisin!" singhal ni Seven. "Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin."
"I'm still in love with you!" mabilis pero madiing sabi ng babae pero hindi nakitaan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki. "Sorry kung may nagawa akong kasalanan noon, I know I was wrong. I was too drunk kaya ko nahalikan si Jerry. Hindi ko naman--------"
"Stop!" hindi pa tapos magsalita ang babae ay pinahinto na siya ni Seven. "Tingin mo ba interesado pa 'kong marinig ang lahat ng 'yan?"
"Seven mahal kita! Mahal pa rin kita!"
"I don't feel the same way." ngisi ni Seven. "Ni hindi nga kita minahal eh!"
Pakiramdam ni Alessa ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"What? Hindi mo 'ko minahal?? Eh ano yung ginagawa natin sa kama????""Sex! Ano pa ba?" Sarkastikong sagot ni Seven at binigyan siya ni Alessa ng napaka lakas na sampal.
"How dare you!!! Akala ko minahal mo 'ko!" galit na sumbat ng babae na parang maiiyak na.
"May mga babae kasing siniseryoso at may mga babae ding pang kama lang!" ngisi ni Seven at muli siyang sinampal ni Alessa.
"You're evil!!!! Ang sama sama mo Seven!!!"
"Sinuklian lang kita sa binayad mo sa'kin." ngisi ni Seven. "Niloko mo 'ko at ang dami mong ibang lalaki nung tayo pa, ano bang ineexpect mong magiging reaksyon ko? Na matutuwa ako sa pag amin mong mahal mo pa 'ko?"
Hindi napigilan ni Alessa ang mapaluha at lalong ngumisi si Seven,
"Tsaka may boyfriend ka na ngayon diba? Bakit mo 'to ginagawa? Para ba patunayang maganda ka? Gusto ko lang ipaalam sa'yo, na ang babae, habang parami ng parami ang nagiging lalaki sa buhay, ay pababa ng pababa ang quality."Inis na tumalikod na lang si Alessa at iniwan na niya si Seven. Masyado na siyang nasugatan sa mga matatalas na salita ng lalaki..
"Mahal anong nangyare?" biglang tanong ni Indie nung lapitan na niya si Seven. "Nakita kong umiiyak si Alessa."
"Hayaan mo nga siya." sabi nalang ni Seven na agad hinawakan ang kamay ni Indie. "Masyado siyang madrama at wala akong panahong makinig sa mga ganon."
"Mahal ka pa siguro non..."
"Wala naman akong pakialam." seryosong sagot ni Seven na agad dinala sa labi niya ang kamay ni Indie at hinalikan 'yon. "Ginago niya 'ko, kaya deserve niya ding gaguhin."
"Paano pag ako ang nang gago sa'yo?" biglang tanong ni Indie at natahimik ang lalaki. "Kunwari lang naman..."
"Papatayin ko yung lalaki mo." seryosong sagot ni Seven at natawa lang si Indie.
Pareho silang natigilan nung tumunog ang phone ni Seven at agad niya naman 'yung kinuha sa bulsa.
Dr. Gan Calling 📞
SEVEN: Hello doc? Napatawag ka?
Dr. Gan: I heard nasa bakasyon ka daw. Thats good ijo!
SEVEN: Yeah,so--- what makes you call Dr. Gan?
Dr. Gan: May bad at good news ako para sa'yo Seven.
SEVEN: Ano 'yung good news?
Dr. Gan:Sobrang good news to ijo. Wala kang brain tumor! Migraine lang ang iniinda mong sakit. Congrats Seven San Miguel!
Napangiti si Seven sa narinig niya. Sobra siyang saya! Ilang araw din siyang hindi tumitigil sa kakaisip tungkol sa sakit niya at napakasarap sa tenga ang balita ni Dr. Gan.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018