Chapter 15

716 21 0
                                    

(Hindi ako magtataka kung sa mga susunod na araw... In love na 'ko kay Maki. Sobrang okay siya, positive siyang tao... mabait.. cool..)

Biglang napabuntong hininga nalang si Chantal matapos niyang maalala ang mga sinabing 'yon ni Kaine. Mabilis niyang binuksan ang shower at nagulat pa siya nung sobrang lamig na tubig ang lumabas mula don. Sa wakas ay makakaligo na siya ng maayos... Nabuksan na ni Kaine ang pinto ng isang kwarto kaya nakuha niya ang mga gamit at damit niya na nasa luggage. May isusuot na siya sa wakas.

Habang nagsho-shower ay muli niyang naisip si Kaine...

(Ikaw ang type ko Chantal!...

....I like you!)

Napahawak siya sa mukha niya at saglit natulala...

Gusto siya ni Kaine... pero baka hindi magtagal, kay Maki na mabunton ang pagtingin nito sa kanya. Eh ano naman ngayon diba? Eh ano kung magustuhan nito si Maki? So ano bang inaalala niya? Si Seven naman ang mahal niya diba? Eh bakit ginugulo ni Kaine ang utak niya?

❤❤❤

"Bagong ligo ah..." malambing na sabi ni Seven at niyakap niya ang nakatayong si Chantal na nakaharap sa lababo. Niyakap niya ito patalikod.

Ngumiti naman ang babae habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush nito.
"Ikaw din Sev...ligo ka na.."

"Sabayan mo 'ko..." bulong nito sa punong tenga niya na naghatid ng kiliti sa buong katawan niya.

"Sev... dami mong alam eh... Sige na maligo ka na." natatawang sabi nalang ni Chan na agad ng nagtoothbrush kahit nakayakap pa rin sa kanya ang boyfriend.

"Buti nabuksan na ni Kaine yung isang kwarto.. May tutulugan na tayo.." pilyong sabi ni Seven.

Mabilis na nagmumog ang babae at gulat na humarap sa lalaki..
"Sev?! Ano bang pinagsasasabi mo? Anong matutulog sa kwarto? Okay na 'ko sa carpet sa salas o kaya sa couch..." medyo inis niyang sabi.

"Sa carpet? Katabi ni Kaine?" ngisi ni Seven. "So ano? Kay Kaine okay lang tumabi ka pero sa'ken hindi? Eh diba niyayakap mo nga siya habang nakahiga kayo?? So ano 'to? Pag siya pwede tapos ako hindi?? Wag kang unfair!"

"Iba naman yung samin ni Kaine!" napahawak sa noong sabi ni Chan.

"Iba?? Panong iba??" pikong tanong ng lalaki na panay ang iling dahil sa pagkadismaya.

"Kasi alam kong wala namang gagawing masama si Kaine.."

"Tapos ako meron?" nakangising tanong ng lalaki sabay hawak sa noo. "Lagi mong sinasabi na mahal mo 'ko.. Pero hindi naman yung pagmamahal mo lang ang kailangan ko eh. I need your trust! I want you to TRUST me! Ayun lang, bakit ba hindi mo maibigay 'yon?"

Napayuko si Chantal at napahawak sa batok..
"Ano ba talagang gusto mong hingin?" diin na tanong niya. "Yung trust ko ba talaga o yung pagkababae ko?"

"Your trust!!" diin ni Seven na halatang napikon.

"Kaya kong ibigay sa'yo ang tiwalang hinihingi mo..." mahinang sabi ni Chan.

"Then if you trust me... Sleep with me!" seryosong sabi ni Seven na ikinagulantang ng babae pero biglang huminga nalang ng malalim.

"Okay...sige... pagkakatiwalaan kita Seven.." napatangong sabi ni Chantal.

"Sige, ligo na muna 'ko... Medyo mainit na..." sabi nalang ni Seven na agad ng tumalikod kay Chantal.

Naiwang mag-isa ang babae sa may kusina at bigla siyang napaisip. Pumayag siyang matulog katabi ni Seven at hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya.

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon