Sinundo sila ng isang mini bus at kasyang-kasya naman sila don. Ihahatid sila nito kung saan sila nakatira o kung saan nila gustong magpahatid. Lahat naman sila ay around Manila lang maliban kay Bryl na nakatira sa Makati.
"Seven at Kaine---" sabi ni Bryl sabay lingon sa dalawa. "Sa bahay ni dad tayo dumiretso. Okay ba sa inyo?"
"Pass muna 'ko. Maybe next time." sagot ni Kaine at napatingin naman sa kanya si Chan.
"Bakit next time pa?" usisa ni Chan sabay hawak sa kamay ng lalaki. "Kailangan kayo ng daddy niyo sa mga oras na 'to." Hindi umimik si Kaine sa sinabi ng babae.
"Saka nalang din ako." sagot din ni Seven. Gusto niya rin sanang puntahan ang daddy nila pero hindi niya alam kung anong pumipigil sa kanya para gawin 'yon.
"Pero Seven!" sabat ni Indie pero agad ding huminto at sumandal nalang sa upuan. "Nevermind! Buhay mo nga pala 'yan so ikaw na ang bahala."
"Seven, Kaine, tama si Bryl." sabat naman ni Maki. "Kailangan ni Tito Lemuel ngayon ang mga anak niya. Pwede bang magpanggap nalang muna kayo na okay kayong tatlo?"
"Okay naman talaga kami ni Bryl." napangising sabi ni Kaine at tumango naman si Bryl.
"Edi kayo na ang mag bestfriend!" singhal ni Seven sabay akbay kay Indie pero agad din namang tinanggal ng babae ang kamay niya sa balikat nito. "Galit ka na naman sa'ken?"
"Edi ba ikaw yung unang nagalit!? Bakit ba masyado kang ulyanin?" mahina pero madiing bigkas ni Indie.
Muling inakbayan ni Seven ang babae,
"Sorry na!"Wow! Nagsorry na talaga siya! Marunong na siyang mag sorry ngayon. Napangiti nalang si Indie at napailing. Masarap sa pakiramdam na marunong ng magpakumbaba ang lalaki ngayon.
"Matatanggap ko lang ang sorry mo sa isang kondisyon!" seryosong sabi ni Indie."Ano naman 'yon?"
"Pumayag ka sa gusto ni Bryl na pumunta kayo ngayon kay Tito Lemuel." hamon niya sa lalaki.
"Papayag ako kung sasama ka!" dugtong naman ni Seven at napabuntong hininga ang babae.
"Bakit sasama pa 'ko? Ano namang gagawin ko 'don? Kailangang masolo niyo yung daddy niyo para mas magkaroon kayo ng opportunity na makapag-usap."
"Bakit ayaw mong sumama? Excited ka na bang umuwi sa inyo? Ni hindi nga ata sila excited na makita ka eh." napapangising sabi ni Seven at natahimik si Indie don. Tama naman ang lalaki eh, wala nga yatang excited na makita siya ulit. "Sumama ka nalang sa'ken."
Si Chantal naman ay natahimik nalang at napasulyap pa kay Kaine na nakaupo sa tabi niya. Naiintindihan naman niya na may tampo ito sa ama pero hindi na ba pwedeng kalimutan 'yon at mag move on na lang? Nangyari na ang nangyari, hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan.
"Kaine--- ayaw mo ba talagang puntahan ng daddy mo ngayon?""Next time." mahinang sagot ni Kaine.
"Kelan ang next time?" seryosong tanong ng babae. "Alam mo bang sobrang iksi lang ng buhay? Baka kasi sa kaka-next time mo, tuluyan ka ng maubusan ng oras, ng pagkakataon-- Lahat ng kaya mong gawin ngayon, gawin mo na, kasi hindi natin sigurado kung may bukas pa. Paano kapag huli na ang lahat? Don't waste time Kaine-- bawat segundo mahalaga."
Natahimik lang si Kaine at napayuko, napag-isip isip niyang tama si Chantal. Alam naman niya 'yon eh-- naiisip din niya yon minsan pero sadyang nangingibabaw lang minsan 'yung tampo at hinanakit. Yung pakiramdam na pinabayaan ng daddy niya ang mommy niya at nagkaroon ng iba pang babae.
❤❤❤
Siyempre, dahil kina Maki, Chan at Indie ay na convince na talaga ang mga lalaki na dumiretso sila sa bahay ni Lemuel San Miguel, yun nga lang, kasama rin sila. Gusto din ng San Miguel bros na kasama sila at para walang problema ay umokey na lang sila at pumayag sa gusto ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Novela JuvenilHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018