Chapter 41

758 24 0
                                    

"Kakaiba naman talaga kaming mga babae." natatawa pang sabi ni Chan.

"Kakaiba talaga!" pailing iling na sabi ng lalaki. "Mag-oopen up kayo tungkol sa isang bagay, magtatanong, tapos kapag mali ang sagot namin, ayun na, beastmode na kayo." natatawang sabi sabay titig kay Chan. "Parang ikaw, talagang nagtatanong ka pa kung never ko ba talagang nagustuhan si Amber. Tapos biglang ikaw din 'yung maba-badtrip."

Natawa nalang si Chan at napailing, minsan talaga mahirap magpaliwanag eh, sana kusa nalang maintindihan ng mga lalaki ang tungkol sa mga ganung bagay. Na kapag ang girlfriend mo ay nagtanong sa'yo about sa ibang babae, dapat sagutin mo, pero 'wag na 'wag kang magpapakita na interesado ka sa topic. Sakto lang dapat tsaka dapat 'wag mong purihin masyado ang ibang babae, dapat yung girlfriend mo lang ang bida.

"Pasensya na," biglang sabi nalang ni Chan at nginitian lang siya ng lalaki.

"Ayos lang! Tanggap ko namang medyo praning ka minsan." natatawang sabi ni Kaine at hinampas siya ni Chan sa braso.

"Ah ganon ah!!"

"Biro lang baby!"

❤❤❤

"Napipikon na 'ko sa'yo ah! Kagabi ka pa cold sa'ken!" kunot noong sabi ni Seven habang sinusundan niya na si Indie sa hallway bitbit ang dalawang luggage. Nauuna maglakad ang babae at halatang ayaw siyang sabayan.

Napabuntong hininga nalang si Indie. Hindi ba talaga matandaan ng lalaki na magkaaway sila at nagkaroon sila ng arguments kagabi? Talaga bang ganun itong ka chill?

"Hoy Indie ano ba!?" tawag pa ng lalaki habang pababa na sila sa hagdanan. "Ihahagis ko 'tong luggage mo pag di ka pa umimik dyan!"

Napairap nalang si Indie at napailing at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan.

Nagulat siya nung biglang may malakas na kumalabog at nakita niyang nasa ibaba na ang luggage niya at inihagis na pala ng lalaki. Inis niya itong hinarap,
"So okay ka na? Naihagis mo na?? Bat di nalang ako yung hinagis mo para mas naging masaya ka pa!" at inis siyang bumaba upang itayo ang luggage niya at hinila niya na 'yon palabas.

Inis na sumunod si Seven at inunahan siyang maglakad kaya hinarangan na siya nito.
"Ano bang problema mo Indie?"

❤❤❤

Sumakay na sa yate sina Maki, Bryl, Ran at Joseph.

"Finally! Makakauwi na tayo." nakangiting sabi ni Bryl at napangiwi nalang si Maki. Sira ang plano ni Lemuel San Miguel! Babalik na sila ng Manila na hindi pa talaga okay ang magkakapatid. Ni hindi pa nga nagkaroon ng bonding ang mga ito o naka pag usap man lang. Sina Kaine at Bryl kahit papano ay medyo okay na, pero si Seven, wala pa talaga.

"Wait lang Vuts! May tatawagan lang ako." pagpapaalam niya sa lalaki sabay kuha ng phone sa bulsa at bumaba muna sa yate. Tumango nalang si Bryl at pinagmasdan siyang naglalakad palayo.

"Sino kayang tatawagan non?" curious na tanong ni Joseph na ang mga mata ay nakatuon kay Maki na nasa dalampasigan at may kausap sa phone.

"It's non of your business dude!" nakangising sabi ni Bryl sabay iling at itinuon din niya ang tingin kay Maki na may kausap sa phone. Pero napaisip nga din siya kung sino kaya ang kausap nito.

May karapatan ba siyang magtanong?

Wala naman sigurong masama diba? Tutal naman naka reserve na sila sa isa't isa. Hindi naman siguro masama kung malalaman niya kung sino ang tinawagan nito.

❤❤❤

"Ano ba talagang issue?" magkasalubong na kilay na tanong ni Seven. "Bakit ba ang cold mo?"

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon