"Magtitimpla na lang ako ng bagong juice." natatawang sabi ni Chan at natawa din si Kaine. "Ayan, shirtless ka na tuloy."
"Okay lang, hindi pa naman ako nakakaligo." sabi nalang din ni Kaine at isinampay ang hinubad na shirt sa balikat. "Mabango lang ako pero hindi pa talaga ko nakakaligo."
"Ang yabang!" natatawang sabi ni Chan na agad kumuha ng powdered juice sa drawer.
"Hayaan mo na, pagbigyan mo na minsan." sabi nalang ni Kaine at napakibit balikat nalang ang babae. "Bukas aalis na tayo dito."
"Oo nga eh," sabay ngiti ni Chan pero deep inside ay nalulungkot din siya. Ayaw pa sana niyang umalis sa islang 'yon. "Back to normal na tayo. Since malapit na rin namang magpasukan, magiging busy na tayo sa mga buhay-buhay natin."
"Bat bigla akong nalungkot sa sinabi mo?" tanong ni Kaine. "Pwede naman kitang puntahan palagi diba? Like, pwede kitang ihatid sundo.. kung okay lang."
"Hinahatid sundo ako ni kuya." dugtong ni Chan.
"Pero si Seven ang naghahatid sundo sa'yo no'n." dugtong din ni Kaine.
"Noon yon, nung kami pa siyempre." natatawang sabi ni Chan sabay lagay ng powdered juice sa tubig.
"So pwede rin namang ako yung gumawa non diba?" Tanong pa ni Kaine. "Nga pala, close ba si Seven at yung kuya Charlie mo?"
Napangisi at napailing lang ang babae,
"Ayaw ni kuya kay Seven! Si Seven naman, dahil ramdam niyang ayaw ni kuya sa kanya, ayaw na din niya. Ni hindi man lang siya gumawa ng effort para magustuhan siya ni kuya eh.""Si Seven? Mag eeffort?" natatawang sabi ni Kaine sabay iling. "Hindi niya ugali mag-please ng mga tao. Kung ayaw niyo sa kanya, ayaw din niya sa inyo. Ganon lang 'yon.."
"Alam ko, eh ganon din ang ugali ni kuya so talagang hindi sila magkakasundo. Hindi naman 'yon magpapakumbaba para sa kanya." paliwanag ni Chantal at napatango si Kaine.
Napatingin silang dalawa nung may tumayo sa door way ng kusina,
"Siguro sobrang sarap ng juice na 'yan no!! Ang tagal niyo ginawa eh!" halata ang pagkapikon sa boses ni Amber.Natawa lang si Chan at napahawak sa batok..
"Actually tinagalan talaga namin para magkamoment kami!!" sarkastikong sabi ng babae. "Hindi ba halata??"Lalong napataas ang kilay ni Amber at napasinghap nalang.
"Ang alam ko, 8 ang sunod sa Seven at hindi Kaine!""Amber?!" medyo napikong sita ni Kaine.
Mas natigilan pa sila nung pumasok si Seven sa kusina at nagdire-diretso ito sa ref at kumuha ng malamig na tubig.
Napalunok si Chan at nakita ni Kaine ang reaksyon niyang 'yon.
"Oh, hi Seven!" biglang bati ni Amber sabay kaway. "Lalo kang gumwapo ah. Single ka ba ngayon?"
Napangiti lang si Seven habang naglalagay ng tubig sa baso.
"Oo.""So yung ex mo nililigawan ni Kaine?" natatawang tanong pa ni Amber at napatingin nalang sina Kaine at Chan sa matabil na babae.
"Wala na tayong pakialam don Amber. You should know that." ngisi ni Seven at napalunok lang si Amber dahil medyo napahiya siya.
"Okay!" sagot nalang ni Amber at agad ng lumabas si Seven sa kusina matapos uminom ng tubig.
Naiwan nalang don sina Chantal na halos pigil ang paghinga...
"Iba pa rin ba epekto sa'yo ni Seven?" halatang nawala sa mood si Kaine nung sabihin 'yon.
"Hindi ah!" mabilis na pagtanggi ng babae.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018