Chapter 13

723 23 2
                                    

"Kaya ikaw ah, don't get attach too much." nakangiting paalala ni Kaine kay Maki. "Baka mamaya.. Kaka-comfort mo ay ikaw naman ang ma-fall sa'kin. Ayokong mangyari 'yon."

Napalunok nalang si Maki at napahawak sa batok.
"Eh--- pano kung sabihin kong--- matagal na kong na fall sa'yo."

Natulala ang lalaki at napangiti nalang. Siyempre hindi naman siya naniniwala. Alam niya namang medyo maloko si Maki. Mahilig din itong magbiro.
"Waley!" sabi nalang niya sabay hawak sa tenga ni Nicolai.

"Anong waley ka dyan!" natatawang sabi ni Maki. "Hindi naman ako nagbibiro no! Hindi joke 'yon!"

Muntik ng mabitawan ni Kaine ang alaga niyang pusa at natatawang humarap sa babae. Tinantya niya kung mukha nga ba itong seryoso.
"Seryoso ka ba?"

"Seryoso.." mahinang sabi ni Maki sabay yuko. "Pero crush lang naman 'yon Kaine! Crush lang naman kita..  Crush...pag hanga.. Ganun lang.. "

Natawa si Kaine at napailing. Natatawa siya sa pagiging vocal ni Maki. Hindi ito nahiyang magtapat sa kanya ng paghanga nito.
"Well, flattering..." nakangiti pa niyang sabi.

Natawa lang din si Maki at napahawak sa noo. Sobrang lakas naman talaga ng loob niyang umamin ng nararamdaman sa lalaki. Well paghanga lang naman 'yon. Hindi naman malalim at lalong hindi siya naghahangad ng kapalit. Ang mahalaga ay nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.
"Turn off ba? Turn off ba kapag yung babae ay nag-confess ng feelings niya para sa isang lalaki?"

"Sakin hindi naman... okay lang naman 'yon. Atleast nagpapakatotoo ka. Well thank you for admiring me." nakangiting sabi ni Kaine sabay pisil sa pisngi ni Maki. "It's flattering kapag merong nagkaka-crush sa'yo atleast meron pa palang nakaka appreciate sa existence mo. Thank you!"

Napakamot nalang si Maki sa batok sabay iling.

BAKIT THANK YOU?
GRABE 'TO! HINDI BA MAS OKAY YUNG... CRUSH DIN KITA! QUITS LANG! -------Yan nalang ang nabulong ni Maki sa utak niya.

Pero atleast napatunayan niyang mabait talaga si Kaine. Hindi ito mapagsamantala.. Hindi ito katulad ng iba na kapag nalaman nila na crush sila ay sinasamantala na nila. Yung kahit di naman talaga nila type ay didiskartehan na nila. Nag te-take advantage na..  nagpapaasa... Well atleast hindi siya nagkamali sa pagpili ng taong hahangaan niya.

❤❤❤

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Chantal kay Seven. Pumunta sila nito sa may hallway at lumayo muna kay Bryl. Umupo sila ng magkatabi sa sahig at sumandal sila sa pader. "Bakit ba kasi umabot kayo sa ganon? Hindi maganda na kayo-kayong magkakapatid ay nagkakasakitan pa."

"Sila naman lagi yung nauunang sunggaban ako eh. Hindi naman ako papasapak nalang 'no!" napapailing na sabi ni Seven. "No way!" sabay ngisi pa. "Sila yung napakaraming problema idadamay pa nila 'ko. Tss. Kasalanan ko ba na pinili mo 'ko? Tapos kasalanan ko ba na naghiwalay sina Bryl at Indie ng dahil daw sa'kin? Kasalanan ko ba 'yon? Kasalanan na ba ngayon ang pagkakaroon ng malakas na sex appeal?" natatawa nalang na sabi pa ng lalaki at natawa nalang si Chantal sa kahanginan nito.

"Okay! Hindi na 'ko kokontra. Pero--- curious lang ako, paano ka naman na-involved sa break up nina Bryl at Indie?" nagulat na tanong ni Chan dahil wala talaga siyang idea.

"Malay ko sa kanila!" inis na sagot ni Seven sabay iling. "Wag na nga natin sila pag-usapan. Umiinit lang ulo ko eh."

"Ah okay---" tumango nalang si Chantal pero naiwan pa ring palaisipan sa utak niya kung ano nga kaya ang involvement ni Seven sa hiwalayan nina Bryl.  Wala namang nababangit sa kanya si Indie..

Tumingin si Seven sa babae at mas tinabihan niya ito upang magkadikit ang mga katawan nila.
"Masarap pala sa feeling kapag after mo ma-stress, may girlfriend na mag i-stay sa tabi mo." nakangiting sabi ng lalaki sabay akbay kay Chan.

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon