Wala ng nagawa si Maki, hindi na siya nakapalag pa habang hawak ng lalaki ang mga kamay niya at habang busy naman ang labi nito sa labi niya.
"Bata palang tayo, gustong gusto ko ng gawin 'to." nakangiting sabi ni Bryl at muling hinalikan ang babae.
Napapikit nalang si Maki habang nararamdaman niya ang banayad na paggalaw ng labi ng lalaki at namalayan nalang niya na tinutugon na niya ang paghalik nito. Actually siya din--- bata palang sila ay pangarap na niyang mahalikan si Bryl!
Napapikit nalang ang babae nung maramdaman niya ang pagbaba ng labi ni Bryl sa leeg niya. Kakaibang boltahe ng kuryente ang hatid non. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ramdam niya ang pagdampi ng labi nito sa leeg niya at pakiramdam niya ay malapit na siyang mabaliw!
Natauhan sila nung may marinig silang kumatok sa pinto.
" Bryl! May kailangan tayong pag-usapan." narinig nilang sabi ni Seven kaya natigilan sila at nagkatitigan."Ano kayang pag-uusapan niyo?" nagtatakang tanong ni Maki.
"Tuloy natin 'to mamaya ah." nabitin na sabi ni Bryl at natawa lang si Maki. "Siguraduhin lang ni Seven na importante ang sasabihin niya. Dahil kung hindi, lagot siya saken. Istorbo siya!"
❤❤❤
"Baby, wala akong ginagawang masama." halos maiyak na paliwanag ni Kaine kay Chantal.
Napabuntong hininga si Chan,
"Kung hindi mo sana siya tinulungang magbuhat ng bag niya, kung hindi ka sana naging masyadong mabait sa kanya, hindi sana mangyayari 'to. Alam mo namang type ka niya--- at alam mo namang nagseselos ako sa kanya--- pero tuloy ka pa rin.""Sorry!" pakiusap ni Kaine na agad hinawakan ang kamay ni Chantal pero agad ding binawi ng babae ang kamay nito.
"Hindi naman masamang maging good boy ka, ilugar mo lang!" mahina pero madiing punto ni Chan.
"Chantal," sabi ni Amber na agad lumapit sa kanila, nakasuot na ito ng sando. "Wag ka ng magalit kay Kaine--- mahal na mahal ka niya. It was all my fault. Actually hindi naman talaga ako malanding babae eh. Mahal na mahal ko lang talaga si Kaine kaya ko 'yon nagawa. It was a desperate move, tinry ko siyang i-seduce pero bigo ako. Swerte mo at ikaw ang mahal niya."
Natahimik lang si Kaine at napayuko at si Chan naman ay seryosong nakinig sa mga sinabi ni Amber, bakas naman ang sincerity sa bawat salita nito.
"Ayokong maging malungkot si Kaine because of me--- ganun siguro talaga kapag nagmamahal ka--- mas importante sa'yo ang kaligayahan ng mahal mo kesa sa kaligayahan mo. Sorry for everything..." sincere na sabi ni Amber at natahimik nalang si Chan..Ramdam niya ang taos pusong pahayag ng babae at kahit papano ay nakahinga na siya ng maluwag.
❤❤❤
"Anong pag-uusapan natin?" bungad na tanong ni Bryl nung puntahan niya si Seven sa deck. Mag-isa lang ito duon at hindi kasama si Indie. "Magsosorry ka na ba sa ginawa mong pang-aagaw kay Indie? Well sige, pinapatawad na kita. Masaya naman na 'ko kasama si Maki."
"Masyado ka namang assuming." nakangising sabi ni Seven. "Bakit naman ako magsosorry sa'yo? Wala akong kasalanan, at kung meron man, masyado lang akong gwapo kaya naakit sa'kin si Indie."
"Ah talaga? Okay, kunwari naniwala ako." singhal ni Bryl.
"Teka, nasan si Kaine?" tanong pa ni Seven. "Kasali siya dapat dito."
"Sinabihan ko na siya, kaso busy pa manuyo kay Chantal." sabi ni Bryl sabay lingon pa at nagbabakasakaling parating na si Kaine. "He's here." sabi niya nung makita niya na ito.
"Anong meron?" tanong agad ni Kaine habang naglalakad palang palapit sa kanila.
"Oh Seven, ano na ba? Kumpleto na tayo." naiinip na sabi ni Bryl dahil laman ng isip niya si Maki at ang ginagawa nila bago tumawag si Seven.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Novela JuvenilHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018