Napalunok ulit si Indie habang na-ko-corner pa rin siya ni Seven. Halos magkadikit na ang mga katawan nila.
"Di nga?" ngisi ni Seven. "Hindi man lang talaga nakahalik si Bryl sa'yo? Naawa tuloy ako bigla sa kanya."
"Nirerespeto n'ya kasi ako!" mahina pero madiing sabi ni Indie. "Tsaka yung time na i-ki-kiss niya na 'ko, bigla kang umepal. Remember? Yung nasa terrace kami?"
"So kapag ba hinalikan ka, hindi ka na nirerespeto non?" seryosong tanong ni Seven na lalong dumikit sa babae.
"Seven ano ba! Lumayo ka nga!" at tinutulak niya ang dibdib nito pero walang pwersa ang lakas n'ya kumpara dito.
"E' iba ako eh." ngisi ni Seven. "Nirerespeto ko ang mga babae sa pamamagitan ng halik."
"Baliw ka!" singhal ni Indie. "Lumayo ka na nga! Baka mamaya may makakita pa sa'tin!"
"Kahit kelan wala akong pakialam sa ibang tao." ngisi ni Seven na bahagyang yumuko para maabot n'ya ang mukha ni Indie at para maabot ng labi niya ang labi nito.
Gustuhin mang pumalag ni Indie ay wala na itong nagawa...
Nakatulala nalang si Indie habang nakalapat ang labi ng lalaki sa labi niya.
Ramdam na ramdam niya ang malambot na labi ni Seven na nakadampi sa kanya... Ramdam niya din ang panginginig ng buong katawan niya at ang panghihina ng tuhod niya.
Ang kamay ni Seven na nakapatong sa lababo ay nalipat na sa bewang ni Indie.
Napapikit nalang ang babae nung maramdaman niyang gumalaw ang labi ni Seven at hinalikan nito ang upper lip niya. Sobra syang natetensyon lalo na kapag naririnig niya ang hininga ng lalaki, lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng lalaki, siguro nag mint candy ito.
Nakapikit pa rin ang babae nung lower lip naman niya ang nilasahan ng lalaki at bahagya pang kinagat 'yon.Namalayan nalang ni Indie na pinapatong na niya ang dalawang kamay sa batok ng lalaki at lalo silang nagkadikit...
Tinutugon na niya ang bawat halik ni Seven at sobrang ineenjoy n'ya 'yon. Sobrang lambot pala ng labi nito at nakaka adik halikan.
First time nyang maranasan 'yung ganong experience, pero hindi naman na bago sa kanya dahil may mga napapanuod naman s'yang ganung eksena sa mga movies. Pero iba pala talaga 'yung feeling kapag totoo na.
Napahinto na si Seven at ngumiti ng pilyo,
"Hindi ba 'ko magaling humalik?""Hindi." napabuntong hiningang sabi ni Indie at napakunot naman ang noo ng lalaki. "Kasi ang bilis eh! Medyo bitin." biglang napalunok nalang si Indie. Bakit ba niya sinabi ang mga salitang 'yon??? Nakakahiya talaga siya.
Natawa lang si Seven at napailing,
"Abuso ka ah! Baka mamaya ma-adik ka na sa lips ko."Natawa nalang din si Indie at napayuko.
"You know what?------ this is not the usual me!-- feeling ko.. Ang flirt ko na."Natawa lang si Seven at hinawakan niya sa pisngi ang babae.
"Normal lang naman na maging flirt ka sa boyfriend mo.""Boyfriend??" gulat na tanong ni Indie.
"Ayaw mo ba?" ngisi ni Seven.
"Kaso teka! Ang bilis naman yata! Hindi mo man lang ba muna 'ko liligawan?" angal ni Indie.
"Kailangan pa ba 'yon?" kunot noong tanong ng lalaki. "We like each other, so ayun na 'yon."
"Like lang?" nanghinang tanong ng babae.
"Love?" tanong ni Seven. "Love mo ba 'ko?"
"Eh ikaw?"
"Bat ako? Ikaw muna." demand ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Teen FictionHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018