"So ano? Hindi na ba tayo makakalabas dito?!" halos mawalan na ng pag-asang tanong ni Chantal habang naka hawak parin sa noo."Wala naman tayong choice." biglang sabi ni Maki hawak ang isang pitsel na may lamang tubig na agad nagsalin sa baso.
"Kalmado ka lang talaga no?" ngising tanong ni Indie kay Maki. Magkatabi sila ni Chantal sa couch.
"E' ano bang dapat kong gawin?" natatawang tanong ni Maki matapos uminom. "Mag hysterical? Magwala? Magsisigaw? E' para saan? Kapag ba ginawa ko 'yon magbubukasan ang lahat ng pintuan? Oh di tara! Sabay sabay nating gawin at baka sakaling masolve ang problema!" pikong sabi niya sabay iling.
"Babs stop it." awat ni Bryl kay Maki. Nakapwesto ang lalaki sa may pinto at nakasandal doon. "Any arguments won't help."
"E' kasi 'yang girlfriend mo sumusobra na." sabay buntong hiningang sabi pa ni Maki.
"At ako pa talaga?!" ngisi ni Indie. "E' ikaw nga 'tong kung makaasta parang ikaw yung girlfriend ni Bryl!"
Si Chantal ay napasandal na lang sa sandalan ng couch dahil sa pagkadismaya.
"Babe no," biglang sabi naman ni Bryl na agad lumapit kay Indie.
Napahawak nalang si Maki sa noo at alam niyang mahaba haba pa ang kahahantungan nila ni Indie at ayaw naman niya ng ganon pero napikon din kasi talaga siya.
"Bestfriend ako ng boyfriend mo Indie. Dapat nga bini-bestfriend mo din ako diba? Pero bakit ganyan ka?" Mahinahon ang pagbitaw ni Maki sa bawat salita. "Ikakatahimik ba ng buhay mo kapag umiwas ako sa bestfriend ko?"
Natahimik si Indie at tumingin nalang kay Bryl sabay ngiti.
"I'm sorry Maki, ayoko na nasa paligid ka lang ni Bryl. Pero kung hindi pwedeng mangyari 'yon. Ako nalang ang lalayo!" mahina pero madiing sabi ni Indie at agad napatingin si Bryl sa kanya.
"Babe! You can't do that!" kunot noong sabi ni Bryl na agad umupo sa tabi ni Indie. "Babe, please." nagsusumamo ang mga mata ni Bryl.
"Ayoko sanang mangyari to babe." mapait na ngiting sabi ni Indie. "Alam ko sobrang mali 'to at magmumukhang makitid yung utak ko pero nahihirapan na 'ko eh!" diin pa ng babae. "Ayokong merong Maki sa eksena pero alam kong hindi siya pwedeng mawala sa buhay mo kaya ako nalang ang aalis!"
Natulala lang si Bryl at napanganga.
"Babe! Ano ba 'to? We can still fix this.""Fine!" ngisi ni Maki. "Ako nalang ang lalayo kay Bryl."
Napangisi lang si Seven at napailing..
"So masaya ba kayo na gumagawa kayo ng eksena ngayon? Na pinapanuod pa namin kayo habang nagpapalitan kayo ng mga rants niyo?"Napailing nalang din si Kaine na nakaupo sa may hagdanan habang panay nakayakap kay Nicolai.
"No Maki!" diin ni Indie. "Ako nalang ang lalayo."
"Please stop it!" biglang sabi ni Bryl. "Babe, wala naman kasi dapat talagang problema dito eh. Just try to understand na bestfriend ko si Maki and para sa peace of mind mo, hindi na muna ako lalapit sa kanya kagaya ng dati. Okay na ba 'yon?"
"No! Buo na ang desisyon ko. Ayoko na! I'm breaking up with you!" madiing sabi ni Indie at ang lahat ay napatingin sa kanya.
Maging si Chantal ay nagulat at napatingin bigla kay Indie. Isang mabigat na desisyon ang sinabi nito.
Si Maki naman ay napanganga. .
"Indie! Mahal na mahal ka ni Bryl! Wag mo 'to gawin."Si Bryl ay bigla nalang napayuko at Hindi alam kung paano magrereact.
"Nagkapag desisyon ka na pala..." mahinang sabi niya habang nakayukong lumingon sa babae. "Ganung kabilis lang para sa'yo ang makipagbreak sa'kin. You're breaking up with me and breaking up supposed to be mutually decided pero hindi eh." napahawak lang sa ulo si Bryl habang si Indie ay nagpipigil ng iyak. "Seryoso ka na ba talaga? Na ayaw mo na? Ganung kabilis?""Oo!" diin ni Indie. "We're over!" at agad na itong umalis sa living room at dumiretso na sa may hallway na papunta sa may dining area na hindi man lang lumilingon.
Natahimik lang sina Bryl at Maki ganun din sina Seven, Kaine at Chantal.
Akmang tatayo si Bryl para sundan si Indie nung bigla siyang hawakan ni Chantal sa balikat para awatin.
"Just give her some time." mahinang sabi pa niya sa lalaki na halatang halata ang kalungkutan sa mga mata.❤❤❤
Tumayo naman si Kaine mula sa may hagdanan at agad lumapit kay Chantal na nasa couch.
"Baby, samahan mo 'ko mag dinner." nakangiti niyang sabi sa babae.Si Chantal naman ay nagulat sa sinabi ni Kaine pero naalala niya na siya nga pala ang may gusto non. Ang magpanggap silang SILA. Natatawa nga siya kung bakit niya ba nakalimutan 'yon. Kakaiba lang kasi yung pagkakasabi ni Kaine lalo na dun sa word na 'baby'. Parang totoong totoo kasi.
"Ah---" at agad na tumayo na si Chantal habang nakangiti. "Baby naman! Ang tanda mo na tapos sasamahan pa kita kumain? Baby ah! Baka naman--- magpasubo ka pa."
Sinadya ng babae na mapatingin sa banda ni Seven at nakita niyang nakatingin ito sa kanila at halata ang pagkagulat sa mga mata nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng saya at parang may kumikiliti sa talampakan niya.
Nagseselos ba si Seven?
"Baby?" nakangiting tanong ni Maki. "Kayo na?"
"Yeah." Seryosong sagot ni Kaine pero si Chantal ay hindi sumagot.
"Wow! I'm happy for the both of you!" masayang sabi ni Maki at halata ang sincerity sa mga sinabi nito.
"Oh tara na baby.. Sasamahan na kitang kumain." sabi nalang ni Chantal at muli siyang napalingon kay Seven.
Kita niya sa mukha ni Seven na parang nakasimangot ito at halatang hindi masaya sa nakikita. Nagpigil ng ngiti si Chan at agad nalang kumapit sa braso ni Kaine.
Si Maki naman ay nakangiti lang habang nakikita silang sabay na naglalakad papunta sa dining area.
Si Seven naman ay napangisi.
"Sila agad? Bilis ah. Magic?""Eh ano naman sayo?" biglang sabi ni Maki. "Ikaw Seven ah! Yung totoo? Galit ka ba kay kupido?"
"Kung totoo man si Kupido.." nakangising sabi ni Seven. "Kung totoo man siya, siya na ang pinaka tangang nilalang."
"Kitams?? Pati si Kupido inaway mo na." natatawang sabi ni Maki.
"Siya naman talaga pinaka tanga eh!" diin ni Seven. "Papana lang ayaw pa ayusin. Dapat kung papana siya, siguraduhin niyang dalawang puso tatamaan hindi yung isa lang."
"Oo nga no!" pagsang ayon ni Maki. "Tapos sana panain ka din niya para matuto ka din magmahal."
Natahimik lang si Seven at ganon na din si Maki. Habang si Bryl ay tulala pa rin.
❤❤❤
"Akala ko nandito si Indie.." biglang sabi ni Chan habang kumakain na si Kaine.
"Baby, kung sabayan mo kaya akong kumain?" natatawang sabi ni Kaine at biglang natawa si Chantal.
"Baliw ka din eh! Ginulat mo 'ko kanina dun sa pa baby mo ah.haha. di mo man lang ako ininform na ayun yung call sign natin." natatawang sabi pa ni Chantal sabay iling.
"Cute naman yung baby diba?" nakangiting sabi ni Kaine.
"Nakita mo ba yung reaction ni Seven kanina?" masayang tanong ni Chantal. "Parang nakasimangot siya."
Natawa lang si Kaine at napailing.
"E' lagi naman talaga yung nakasimangot.""Hindi Kaine eh, nakita ko talaga... Iba yung tingin niya eh--- parang---- parang nagseselos!" malaki ang ngiti niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
"So ano, stop na agad natin 'tong pagpapanggap?" halatang wala sa mood na tanong ng lalaki.
"No, wag muna... I'm not sure pa naman eh." Mabilis na sabi ni Chan sabay tango nalang ng lalaki.
"Nga pala," biglang sabi ni Kaine. "Dito sa pagpapanggap natin na 'to. Bawal ma-fall ah! Wag na wag kang ma-f-fall sa'kin!"
"Wow baby ah!" natatawang sabi ni Chantal. "Eh ikaw nga eh, ngayon palang pero parang na-fall ka na sa'kin!"
Nagulat si Kaine at muntik mailuwa ang kinakain niyang kanin.
"Tss. Kapal ah!"At natawa lang si Chantal sabay peace sign.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Genç KurguHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018