Chapter 27

696 22 0
                                    


Biglang napalunok nalang si Chan at muling tumingin sa kalangitan. Masyado ng vocal si Kaine sa nararamdaman nito para sa kanya.

"Kaine--- ah-- bakit ako?" lakas loob niyang tanong sabay titig sa mukha ng lalaki. "Sa dinami-dami ng babae, bakit ako?"

"Bakit hindi?" tanong naman ng lalaki.
"E' kamahal mahal ka naman talaga, hindi ka lang aware."

"Kalokohan yung kamahal-mahal," ngisi ni Chan. "Kung kamahal mahal ako, eh anong nangyari sa'min ni Seven? Bakit niya 'ko hiniwalayan ng dalawang beses?? Kamahal-mahal ba tawag don? O kaiwan-iwan?"

"Kapag ayaw na sa'yo ng tao, kahit gaano ka pa kamahal-mahal, iiwan at iiwan ka niyan. Pero kung mahal ka, hinding hindi ka niya bibitawan kahit kaiwan-iwan ka." sabi pa ni Kaine sabay yuko.

"Oo alam ko naman.. 'Wag mo ng ipagdiinan pa." nanghahaba ang ngusong sabi ni Chantal.

Natigilan sila nung biglang tumunog ang phone ni Kaine dahil may call ito.

"I just have to take this call." sabi niya sa babae at tumango naman ito. Agad inaccept ni Kaine ang tawag habang si Chan ay nakatingin lang sa dagat. "Hello? Napatawag ka?------- ah---- okay! No--- I can't come. Nasa isang island ako. Sorry--- bawi nalang ako when I got home. Okay--- happy birthday! Wish ko na lalo ka pang pumanget." natatawang sabi ni Kaine kaya napatingin sa kanya si Chantal.. "Okay sige na, bye!--- I love you ka dyan! Mag-aral ka muna Miss okay? Sige na, bye na. Ingat!"

After ng call ay napatingin lang si Kaine kay Chan na nakatingin din sa kanya.
"Sino 'yon?" usisa ng babae.

"Si Amber Santiago.Kilala mo?" Sagot ni Kaine. "Schoolmate natin."

"Ah-- oo naman, famous yun eh.. Yung volleyball player diba?"

"Oo siya nga," nakangiting sabi ni Kaine.

"Close pala kayo non?" natatawang tanong ni Chan.

"Yeah! And-- birthday niya ngayon." sabi pa ni Kaine at napatango lang si Chan.

"Ka birthday pala niya si Nicolai! Kaya pala mukha din siyang pusa!" sabay tawa ng babae.

"Grabe ka kay Amber ah." natatawa ding sabi ni Kaine.

"Bagay kayo non! Bat di mo diskartehan??" medyo pikon ang tonong sabi pa ni Chan pero nakangiti para hindi halata.

"We're friends!" Kibit balikat na sagot ng lalaki.

"Sus! Kunwari ka pa, eh...nag I love you na nga yata sa'yo kanina. Kinikilig ka pa nga eh! Wag ako ah!!" pang-aasar pa ni Chantal. "Tsaka sa ganda ni Amber, imposibleng hindi mo siya type. And since pareho naman kayong famous sa campus, sobrang bagay kayo!!"

Natawa lang si Kaine at napailing..
"Baka magtampo sa'kin 'yon dahil wala ako sa birthday niya."

"Edi languyin mo 'yung dagat! O kaya lumipad ka!" sarkastikong payo ni Chan.

"Bagay ba talaga kami ni Amber?" pang-aasar na tanong ni Kaine.

"Oo naman! Super bagay! Yung sa sobrang bagay niyo nga ang sarap niyo ng pag-untugin eh! Yung mga ganon!" sabay ngisi ni Chan.

"Okay kaya kung ligawan ko siya?" dugtong pa ng lalaki.

"Edi ligawan mo! Stay strong sa inyo! Magkaroon sana kayo ng mga hindi cute na anak!"   pilit na ngiting sabi pa ni Chan kahit tumataas na ang tono ng boses niya.

Natatawa nalang si Kaine at napayuko, sobrang obvious na nagseselos si Chantal kay Amber! So... Bakit naman ito magseselos e' wala naman itong gusto sa kanya?

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon