Magkatapat na nakaupo sa may dining table sina Chan at Randell at sabay silang kumakain ng kanin at adobong manok.
"Talaga? May kamukha ako?" natatawang tanong ni Chantal sa lalaki.
"Yeah!" nakangiting sabi ni Ran. "She's Belinda.. Ex girlfriend ko."
Natawa lang si Chan at napailing.
"Style yan ng mga lalaking nagpapacute! Kunwari kamukha yung ex nila para makapag start ng conversation.""Hindi ah," natawang sabi ni Ran. "Kahit tanungin mo pa si Joseph. Actually akala ko nga related kayo. Sobra kasi kayong magkamukha."
Napakibit balikat nalang ang babae at saka muling sumubo ng pagkain.
"So.. bakit kayo nag break?""I left her.." malungkot na sabi ni Ran at napanganga si Chantal.
"Pero bakit?" curious niyang tanong. "Hindi mo ba siya mahal?"
"Mahal ko siya." sincere na sagot ng lalaki sabay inom ng tubig.
Napasinghap lang ang babae at napailing.
"Kung mahal mo, bakit mo iniwan?""She is so in love with me.. To the point na mas mahal niya na 'ko kesa sa lahat, kesa sa sarili niya. She's really into me. Sa akin nalang umiikot ang mundo niya. Natatakot ako na one day, mas tumindi pa 'yon. I love her, pero gusto ko mahalin niya muna ang sarili niya..Nakikita ko na hindi maganda ang epekto ko sa kanya. So mas pinili kong mawala siya sa'kin, kesa siya ang mawala sa sarili niya."
Napanganga lang si Chantal at napabuntong hininga. Naiiyak siya.. Hindi siya yung babae pero naiiyak siya.. Imaginin mo, iniwan ka ng lalaking mahal na mahal mo!
"Bakit ganon?" pigil na luhang tanong niya. "Bakit ganon Randell? Paano niyo nagagawang iwan yung taong alam niyo na mahal na mahal kayo? Diba sabi mo, mas mahal ka na niya kesa sa lahat, mas mahal ka na niya kesa sa sarili niya...tapos mas pinili mong iwan siya despite of that? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?""Ginawa ko 'yun para sa kanya.. para sa ikabubuti niya." sincere na sabi ng lalaki pero hindi pa rin lubos maunawaan ni Chantal.
"Nakabuti nga ba?" tanong pa ni Chan.
Marahang tumango si Randell.
"Oo, sobrang nakabuti.. kasi ngayon.. okay na siya.. nasa Japan na siya at meron na siya dong isang maliit na Filipino restaurant. She can stand on her own. Naging malakas siya, naging matatag..at higit sa lahat. Minahal na niya yung sarili niya at hindi niya na hinayaang masaktan pa siya ulit. She became wiser, stronger and independent. Natuto siyang wag sumandal kahit kanino. Kung hindi ko siya noon hiniwalayan, siguro panay pa rin ang iyak niya ngayon..siguro hindi niya pa rin kaya na wala ako.. Sinabihan ko naman siya na 'wag siya maiinlove ng todo sa isang tao, na mahalin niya sa sarili niya. Kase kung gaano ka kasaya sa isang tao, dobleng lungkot ang mararamdaman mo kapag bigla ka niyang iniwan. Kaya dapat magtira ka para sa sarili mo. Leave atleast 1% for yourself. Para kapag natumba ka, meron ka pang 1% na kakapitan para makabangon ulit. Kase pag binigay mo lahat. Kawawa ka."Napayuko lang si Chan at hindi makapaniwala sa mga narinig niya..
"Hindi ka ba nanghihinayang?""Hindi," nakangiting sagot ng lalaki. "Makita ko lang siyang masaya, okay na 'ko."
"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Chan..
"She's always here..." sagot ni Ran sabay hawak sa dibdib. "At kung kami talaga ang itinadhana, magtatagpo at magtatagpo kami.."
"Bakit ba kailangang dumipende ka sa tadhana? Bakit mo kailangang hintayin na magtagpo kayo? Bakit hindi ka kumilos? Bakit hindi ka gumawa ng paraan? Follow your heart Randell. Fight for her.. Win her back." payo ni Chan at napangiti lang ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Novela JuvenilHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018