Chapter 28

728 28 0
                                    

Nasa loob ng cr si Maki, tulala habang nakatayo at nakasandal sa pader na gawa sa tiles.

BESTFRIEND lang talaga ang tingin sa kanya ni Bryl, walang iba! So, dapat na ba siyang mag-walling?

Natawa siya bigla sa naisip niya at huminga ng malalim..kung magpapatuloy siya sa asta niya at sa pagiging cold kay Bryl, baka pati friendship nila ay mawala!

So kailangan niyang magrelax..
Kailangan niyang tanggapin na hanggang kaibigan lang ang kayang i-offer ng lalaki.

Kapag kasi umamin ka ng feelings mo sa isang tao, dapat ready ka rin.. dapat handa ka sa magiging sagot at sa magiging reaksyon nito. Positive man o negative, dapat tanggap mo! Dapat sports ka, manalo matalo, ayos lang.

Muli siyang huminga ng malalim...iisipin na lang niya na kunwari ay walang nangyari.. Mag-i-stay siya sa buhay ni Bryl kahit ano pang posisyon niya. Wala na siyang pakialam kung hindi man siya ma-promote, ang mahalaga, ang manatili siya sa tabi ng lalaki.

Minsan mahirap din talaga kapag masayahin ka, napapasaya mo yung mga kaibigan mong namomroblema. Source of joy ka... ikaw yung nagpapayo, ikaw yung nag-co-comfort. Pero paano naman kapag ikaw naman yung malungkot? Sinong magpapasaya sa'yo?

Akala nila, kayang kaya mo ang lahat.. Akala nila malakas ka.. akala nila binabalewala mo lang ang mga pagsubok at problema. Akala nila hindi ka umiiyak.. Ang hindi nila alam, nagpapanggap ka lang na Kaya pa kahit hindi na. May mga tao lang kasing magaling magdala.. nakakasabay sa kulitan at tawanan kapag kasama ang mga kaibigan, pero asahan mo na kapag mag-isa na lang 'yan sa gabi....bigla nalang iiyak yan...

Biglang pumatak ang luha ni Maki pero mabilis niya itong pinunasan..
"Maki! Tama na! Smile ka na!" pagpapalakas ng loob niyang sabi sa sarili niya. "Gaga ka kasi eh! Ang daming daming lalaki sa mundo bakit yung bestfriend mo pa!"

Bigla siyang nagulat nung may kumatok sa cr at nagsalita pa ito.. yung medyo malakas at talagang rinig na rinig niya.

"Maki! Okay ka lang ba dyan? Kanina ka pa dyan eh." narinig niyang sabi ng nasa kabila ng pintuan at alam niyang si Joseph 'yon!

"Okay lang ako!!" sigaw niya. "Sige na umalis ka na dyan!"

"Okay ka lang ba talaga? Di nga??" sagot pa ng lalaki at agad niyang binuksan ang pintuan ng cr.

"Joseph! Okay lang sabi ako! At kahit hindi naman ako okay, wala ka namang magagawa.. Sige na, matulog ka na. Late na." sabi nalang niya sa lalaki at muli niyang isinara ang pintuan ng cr. Muling kumatok si Joseph at inis na binuksan ni Maki ang pinto.
"Ano ba?? Diba sabi ko okay lang ako??"

"So pag okay ka di na 'ko pwedeng umihi?" biglang sabi ni Joseph at napangiwi lang ang babae. "Baka naman pwedeng makigamit ng cr te? Kanina ka pa dyan eh."

"Baliw ka! Edi sana sinabi mo agad!" singhal ni Maki pero natatawa naman siya.

Agad muna siyang lumabas para makapasok ang lalaki sa loob ng cr. Pero bago ito magsara ng pintuan ay tumingin pa ito sa babae.
"Hindi purket tinawag 'tong comfort room, ito na ang co-comfort sa'yo. Advice lang, tao ang kailangan mo sa mga oras na 'to.. isang taong katulad ko." sabay kindat at napangiwi nalang ang babae.

Natatawa nalang na nagsara ng pintuan Ang lalaki at napangiti naman si Maki dahil kahit napaka kulit ni Joseph, ay mukang concern talaga ito sa kanya.

❤❤❤

11 na ng gabi pero nasa may salas pa din at nakaupo sina Bryl, Randell, Joseph, Chantal at Kaine habang sabay sabay silang nagkakape.

"Okay lang ba si Maki?" nag-aalalang tanong ni Joseph sabay higop ng kape. "Kanina kasi, parang umiyak siya..tapos ang tagal niya sa cr."

"Hayaan mo lang siya, she'll be fine." Sabi ni Bryl kay Joseph.

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon