Tulala lang si Kaine habang nakaupo pa rin sa couch at habang laman pa rin ng utak niya si Chantal.At some point, you have to realize that some people can stay in your heart but not in your life. Pero bakit ba siya masyadong nag-iisip? Bakit niya ba pinaghihinayangan yung isang bagay na never naman naging kanya in the first place?
Actually, yung feelings niya kasi sa babae ay mula pa noong una niya itong makita.
💟
1 year ago...
Muling nagbalik sa alaala niya ang unang pagkakataong nakita niya si Chantal. Bago siya pumasok sa Pizza House na madalas niyang kainan ay may nakabunggo siyang isang matandang babae at agad niya naman itong inalalayan at sincere siyang humingi ng tawad. Medyo wala kasi siya sa sarili kaya hindi niya napansin na magkakasalubong na pala sila. Laman kasi ng utak niya noon ang pag-uusap nila ng Tita Margaux niya, kapatid ng mama niya.
Dahil sa muntik ng matumba ang matanda ay agad niya itong inalok kumain ngunit tumanggi naman ito at medyo na conscious siya nung titigan siya nito ng matagal... Waring pinag aaralan ang bawat anggulo ng mukha niya.
"Titibok ng mabilis ang puso mo kapag nakita mo siya. Ang iyong one great love.. Makikilala mo ngayong araw ang babaeng nakatakda para sa'yo." Mahinang sabi ng matanda pero malinaw niyang narinig lahat 'yon pero hindi nalang niya pinagtuunan ng pansin. Agad na ring lumabas ng pizza house ang matanda at dumiretso na siya sa counter para umorder nung biglang mapahinto siya...
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo...
Bumagal ang oras..
Wala siyang ibang naririnig bukod sa tibok ng kanyang puso..
Nakatitig siya sa babaeng nakatayo sa harapan niya na mukhang tapos na umorder. Nginitian niya ito.. then she smiled back.
Pakiramdam niya ay napakaliwanag ng mukha ng babae..
Ito na ba? Ayun na ba yung sinabi ng matanda na matatagpuan na niya ang kanyang one great love?
(Titibok ng mabilis ang puso mo kapag nakita mo siya. Ang iyong one great love.. Makikilala mo ngayong araw ang babaeng nakatakda para sa'yo)
Paulit ulit niyang naririnig sa utak niya ang mga salitang 'yon habang nakatitig sa maamong mukha ng babae.
"Chantal, may nakuha na 'kong seats." parang bigla siyang nagising mula sa isang panaginip nung marinig niya 'yon. Nakita niya si Seven na inalalayan ang babae at magkasabay na naglakad lakad ang dalawa papunta sa isang table na malapit sa doorway.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig..
Saka nalang siya napabuntong hininga...
Isang malaking kalokohan lang pala ang sinabi ng matanda!
Titibok ang puso?
Makikilala na ang one great love?
Tss.
Malaking kalokohan..Girlfriend ng kapatid niya ang babaeng akala niya ay itinakda para sa kanya.
Isang malaking kalokohan.. Pinaasa lang siya.
💟
Napasandal nalang si Kaine sa couch. 1 year ago na pala pero bakit tandang tanda niya pa ang bawat detalye. Parang Kahapon lang...
❤❤❤
BOY SAWI
Post:
I miss your smile..
But I miss my own even more 😩❤❤❤
"Woah!!! Nako Vuts! Makakarelate ka dito sa mga post ni Boy Sawi oh! Check mo!" na-eexcite na sabi ni Maki kay Bryl nung samahan niya itong magkape sa dining area. "Ang lungkot minsan nung mga post niya." sabi pa niya na nakatutok sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018