Chapter 18

688 25 0
                                    

"Akala ko ba wala na kayo?" nagpipigil na luhang tanong ni Chantal. "So bakit kailangang puntahan mo pa siya?"

"Wala lang 'yon." mahinahong sabi ni Seven. "Wag mong bigyan ng meaning 'yon. Oo wala na kami ni Melissa pero friends pa rin naman kami." paliwanag pa ng lalaki at napabuntong hininga si Chantal.

"Friends?" ngisi ni Chan. "Talaga ba?"

Napahawak sa noo si Seven at napabuntong hininga.
"Bakit ba ang hirap sa'yo na pagkatiwalaan ako? Sinabi ko ng wala lang 'yon diba? Bakit ba ayaw mong maniwala?" pikong sabi pa niya.

"Masisisi mo ba 'ko?" tanong pa rin ni Chantal.

Napasinghap si Seven at napailing nalang sa pagkadismaya.
"Nasa point na 'ko ng buhay ko na wala na 'kong pakialam kung sino ang magmamahal sa'kin, dun nalang ako sa taong kaya akong pagkatiwalaan!"

Napangisi nalang si Chan,
"So ano? You're breaking up with me?"

"YES!" madiing sabi ni Seven. "Pagod na pagod na 'ko eh!" malakas na sabi niya. "Pagod na pagod na 'kong umasa na pagkakatiwalaan mo 'ko!"

"Pagod na pagod?" ramdam na ni Chan na malapit na pumatak ang luha niya. "Pagod na pagod ka na? Eh ni wala ka ngang ginagawang paraan para pagkatiwalaan kita ulit eh! Saang banda ka napagod don? Kasi yung trust na 'yan, hindi naman yan basta ini-impose nalang. Kailangang ma prove mo din na trust worthy ka."

"I am damn tired proving my self..   And I don't have to prove anything to anyone! Pagod na kong patunayan ang sarili ko. So siguro nga, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Never akong naging sapat para sa'yo! Mahal mo lang ako .. And that's never enough!" at tiim bagang na tumalikod ang lalaki kay Chan.

Wala na...

Wala na ulit...

Wala na ulit ng ganun-ganun nalang..

Nawala sa isang iglap..

Tuluyan ng pumatak ang luha ni Chantal at mabilis niyang pinunasan ang basang dumaloy sa pisngi niya.

Paano nga ba?

Paano ka maniniwala na mahal ka ng isang tao kung sa isang iglap kaya ka niyang iwan?

Paano ka maniniwalang mahal ka niya kung napakadali lang para sa kanya ang hiwalayan ka..

Paano ka ba magtitiwala?

Paano ka ba magtitiwala kung kaya niyang talikuran ka ng ganun-ganun nalang?

Paano ba?

(PAGOD NA PAGOD NA 'KO!)

Mga katagang sinabi ni Seven na umaalingawngaw sa utak niya.

Pagod na pagod?

Siya rin naman ah...pagod na pagod din naman siya... pero hindi niya naisip ang sumuko.

Napaupo siya sa malambot na kama at napayakap sa sarili.

Sobra niyang minahal si Seven...

Sobra na siyang nagpaka tanga..

Kelan ba siya susuko?

❤❤❤

Nakahiga si Maki sa couch at nagpapaantok nalang siya habang si Bryl naman ay nakahiga sa carpet.

Pareho silang busy sa cellphone nila. Walang  imikan....pareho silang may sariling mundo.

Si Maki ay panay ang ngiti habang busy sa pakikipagchat kay Boy Sawi.

MAKI: So...ilang taon ka na?

SAWI: 20, you?

MAKI: Same! Hmm pwede ko bang malaman ang real name mo?

Connected (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon