Nakasalampak si Kaine sa kama niya, si Bryl naman ay nakaupo sa carpet at si Seven ay nakahiga sa couch. Busy silang tatlo sa mga cellphones nila. Wala silang pakialamanan. In 2 hours ay lalabas na sila para mag lunch sa Polo Lounge at sa hapon naman ang schedule ng daddy nila para ma meet na nito ang doktor.
Napangiti si Bryl nung makita niya ang page niyang Boy Sawi, na-miss niya rin itong bisitahin.
( BOY SAWI:
WALA TALAGANG FOREVER
ISA AKONG PATUNAY NA WALA TALAGANG FOREVER SA MUNDONG 'TOI'M BOY SAWI NO MORE
I AM NOW... BOY INLOVE!
HINDI AKO SAWI FOREVER..
I am the living proof that your boy bestfriend can be your best boyfriend! )
Agad niya yung pinost at mabilis siyang nakakuha ng mga shares at likes at bumilis ang tibok ng puso niya nung biglang mag comment si Maki sa post niya..
MAKI: Tama, your boy bestfriend can be your best boyfriend! Relate ako Boy Sawi.. I mean.. Boy Inlove! 💕💕💕
SAWI: I love you Maki!
MAKI: I love you too Boy Inlove! As a friend ah! Haha.. Siyempre super inlove na ko sa Vuts Bryl San Miguel ko. 😍
SAWI: 😍
Napapangiti nalang si Bryl habang paulit ulit niyang binabasa ang comment ni Maki na.. super inlove ito sa kanya. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam at kahit papano ay nawawala ang pagka-miss niya dito.
Muli siyang nagpost bilang si Boy Sawi.
( BOY SAWI:
BOY SAWI IS NOW SIGNING OFF 👌 ) But i want to continue inspiring you guys by my simple words. So itutuloy ko pa rin naman bilang si.... BOY INLOVE!)
Agad namang nag comment si Maki nung maipost niya na 'yon.
MAKI: Wow, salamat naman at naka moved on ka na Sawi.. Dati sabi mo, ang salaming nabasag ay maaari pa ring buuin muli pero may makikita pa ring lamat. Buti hindi na ganon ang paniniwala mo...
INLOVE: Ang salamin, kahit mabasag at kahit mabuo ulit, mananatili itong salamin. Kung may lamat man, salamin pa rin naman. Parang puso.. mawasak at masaktan man,mananatili itong puso, titibok at titibok pa rin ito.
MAKI: 😍 True!
INLOVE: Narealize ko ang lahat ng 'yon dahil sa babaeng mahal na mahal ko..
MAKI: SINO?
INLOVE: Yung babaeng mahal na mahal ko. Yung bata palang kami savior ko na siya, siya ang taga ubos ng gatas ko pag di ko kayang ubusin kasi pagagalitan ako ni dad. Siya yung nagbibigay sakin ng liwanag, siya yung naging compass ko sa panahong naliligaw na 'ko sa buhay ko.Siya yung nagbibigay sa'kin ng mga bagay kahit di ko pa man hingin. Siya yung nasasandalan ko tuwing nabibigo ako. Siya yung nakakaintindi sakin kahit mismong ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. She's my everything! Mahal na mahal ko siya.
MAKI: VUTS?? Ikaw ba yan??
INLOVE: Ako nga to.. Ako nga yung Vuts mong mahal na mahal mo at mahal na mahal ka rin!
Dahil sa sagutan nilang 'yon sa comment box ay inulan sila ng napakaraming heart reaction mula sa mga netizen.
Napapangiti nalang si Bryl habang ini-imagine niya ang mukha ni Maki na nagulat dahil sa nalaman nito na siya at si Boy Sawi/ Boy Inlove ay iisa.
❤❤❤
Naka online si Seven at panay ang tingin niya sa list ng mga active friends niya pero wala talaga ang pangalan ni Indie. Agad niyang chineck ang account nito at nakita niyang 2 hours ago ito active.
BINABASA MO ANG
Connected (COMPLETED)
Dla nastolatkówHighest Rank, #1 in LizQuen ❤💕Lahat tayo ay parang mga dots at lahat tayo ay maaaring konektado sa isa't isa. PUBLISHED 07/29/2018