chapter 1

372 6 0
                                    


Develyn's POV


Nandito ako ngayon sa isang dalampasigan malapit sa bahay ko. Gabing gabi na, pero hindi man lang ako nakakaramdam ng antok.





Kahit pagod ay hindi rin. Halos isang taon na ang nakalipas ng mangyari iyon.








Pero naninibago pa din ako, hindi pa ako nasasanay.






Siguro panahon lang talaga ang magsasabi kung naka-move on na talaga ako.






Naglakad ako nang kaunti at pinagmasdan ang mga punong gumagalaw dahil sa hangin. Pero hindi ko man lang malanghap at maramdaman ang kasariwaan nito.







Tumigil ako sa paglakad at umupo sa buhanginan. Dalawang araw, Dalawang araw na lang at death anniversary ko na. At sa araw din na 'yun ay malalaman ko na ang hatol sa akin.







Kinuha ko ang isang maliit na bato sa aking gilid at ibinato ito sa dagat. Gusto ko na muling makita si mommy.






Tumayo ako at nag-teleport papunta sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa ability naming ganon. Kaya tinawag ko na lang ito na teleport.





Tiningnan ko ang street lights dito sa street namin. Sa pinaka dulo ay mayroong sirang ilaw.






Tiningnan ko ito at ginamit ang aking kakayahan upang maayos iyon. Ngumiti ako nang mapait.






Nakakatawa ngang isipin na kaya kong ayusin ang mga bagay-bagay pero ang sarili kong pagkakamali ay hindi.






Ang magagawa ko na lang ay magsisi. Wala na akong magagawa para itama pa iyon. Dahil wala na akong katawan, kaluluwa na lamang ako, pero kasalanan ko na naman ito, dahil hindi ko iniisip ang mga ginagawa ko noon.






Tama lang sa akin 'toh.






Pinagmasdan ko ang bahay ko dati. Ngumiti ako nang makitang puno ng ilaw ang mansion. Sumisilay ang liwanag dito.





May maganda din pa lang resulta ang pagkawala ko. Kasi nagkaroon na ng tao at liwanag. Samantalang nung ako ay nandiyan pa.








Dilim lang ang makikita mo.






Naglakad ako papunta sa gate at tumagos lang doon. Naglakad ako papunta sa loob ng mansion.






Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang maganda at maayos na salas. Naglakad pa ako at napansin ang mga katulong ko dati na nag-aayos ng mga pinagkainan.







"Nasaan na si ma'am?" Tanong ni manang Loleng, isa naming kasambahay.




Tumayo lang muna ako sa glid, para pakinggan ang pag-uusapan nila.





"Nasa taas ata eh. Kanina nakita ko tulala si ma'am. Kawawa naman." Sabi ni ate Pia.






"Hindi pa nga siya kumakain eh." Dag dag niya pa.






Tumingin ako sa hagdanan at naglakad paakyat sa taas.






Hindi ko akalaing ganon ang nagyayari kay mom. Kasi pag dumadating ako dito, naabutan ko siyang laging tulog.






The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon