chapter 7

135 6 0
                                    


Sixth day

Develyn's POV



Nagising ako sa lakas ng ulan, pumapasok na nga ito sa bintana.



Sinilip ko ang orasan, 6:30 na pero parang gabi pa rin, mukhang hindi kami matututloy ni Blaize sa pag tour ngayon.








Bumalik na ako sa kama at ininom ang biogesic. Pakiramdam ko kasi magkakasakit ako. Humiga na ako sa kama at pinatay ang lamp shade.







"Haching!" Bahing ko. Ahhh...






Suminghot ako para hindi tumulo ang likidong mula sa ilong ko.






Itutulog ko na lang muna 'toh, baka pagkagising ko okay na 'ko ulit...






(Dream)





Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, sandali...






Anong ginagawa ko dito?







Napapitlag ako nang biglang may pumasok sa kwarto ko.








Nilingon ko ang pintuan, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang aking sarili...





B-bakit nandyan ako? Umatras ako nang akmang dadaan na siya sa akin.






Kitang kita ko ang itim na aurang bumabalot sa aking kamuka. Umiiyak siyang kumuha ng cutter sa drawer.




S-sandali...naalala ko 'toh... ito 'yung pangayayari ng namatay ako!






Lumapit ako sa kamukha ko at sinibukang hablutin ang bagay na hawak-hawak niya. Pero para lang akong kaluluwa na tumatagos sa kaniya.






"Give me that!" Sigaw ko sa kaniya. Ngunit patuloy lamang siya sa pag iyak.





"Listen! Pagsisihihan mo 'yang gagawin mo! Please!" Muli kong sigaw ngunit wala pa rin siyang ginawa.








Ayoko! Ayokong makita ang nangyari! Ayokong maulit!






Ayoko!!!!






Pumikit ako nang mariin at tinakpan ang mga mata ko habang umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman kong tumama na ako sa pader. Dahan dahan akong dumausdos paupo.









A-Ayoko... nagsisisi na a-ako, h-hindi ko dapat ginawa iyon.







Ramdam ko ang maiinit na likidong lumalandas mula sa mga mata ko. Hanggang sa may marinig akong kalabog na para bang may nahulog.





H-Hindi...






Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang may nasinag akong liwanag. Tumayo ako at inilibot ang aking paningin, wala na ako sa kwarto ko.








Tumalikod ako at nakita si mommy...umiiyak siya sa tabi ng kabaong ko.







"Forgive me Develyn...mom loves you so much." Bulong niya at pinunasan ang salamin sa kabaong ko.



" I-I'm sorry..." Sinubukan ko siyang yakapin. Pero wala, tumagos lang ulit ako.





Mom...




The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon