chapter 14

116 4 5
                                    


Thirteenth day





Develyn's POV



Nakaupo ako ngayon sa couch habang nag aalmusal. Tumingin ako kay Blaize na nakahiga sa sahig habang natutulog.








Napatingin ako sa cellphone ni Blaize nang bigla itong nag vibrate. Sinilip ko muna si Blaize.





Sasagutin ko ba? Baka magalit siya.





Hindi naman niya makikita, nag-kusang loob lang naman ako.







Tumayo ako at inabot ang cellphone nya na nasa lamesa.





Tiningnan ko kung sino 'yung caller.






Franz.





Sinwipe ko ang screen at inilagay sa tenga ang phone. "Aize! Ang daya mo! Di ka umatend sa reunion natin." Nag tatampong sabi ng lalaki sa kabilang linya. Tumikhim muna ako bago nagsalita.







"Ahmmm, sorry but Blaize is asleep. You can call him again later." Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin.









Narinig ko rin siyang tumikhim. "W-who's this?" Tanong niya.






"Develyn..." Napatingin ako kay Blaize nang bigla niya akong tawagin sa paos na boses. "Give me my phone." Walang ganang utos niya. Tumayo ako at inabot sa kaniya ang phone.







Kinuha niya ito at tiningnan ang caller tapos, inend ang call.






Galit ba talaga siya? Dahil sa nangyari kahapon?








Tumayo siya at dumiretso ng banyo. Umupo naman ako sa couch at ininom nang diretso ang gatas. Nilagay ko na sa lababo ang pinag kainan ko.





Mamaya ko na lang ito huhugasan.





Lumabas si Blaize sa cr tapos dumiretso sa dinig area upang uminom ng tubig. Binaba niya ang baso at tumingin sa akin.






"I'm leaving..." Aniya.





B-bakit?







Parang may kumurot sa puso ko. "W-why? Is it about yesterday?" Tanong ko.







Hindi ko siya pwedeng hayaang umalis. Kailangan kong mag-isip ng paraan.








"No, and it's also not because of you or even Sebastian. It's because of me." Seryosong sabi niya.




Anong ibig niyang sabihin?






"What are you talking about Blaize?" Naguguluhang tanong ko. "Just please let me leave." Dismayadong pakiusap niya. Hindi na ako nag salita pa.








Pinanood ko siyang umalis sa kwarto.







Hindi ko alam kung bakit tumunganga lang ako, pakiramdam ko, wala akong kwenta dahil, mabilis lang para sa kanilang iwan ako.







Ramdam ko ang pag init ng sulok ng mga mata ko. Kumurap kurap ako dahil lumalabo na ang paningin ko.







Ano ng gagawin ko? Bibigyan ko siya ng space?




Para saan?




Minsan siguro, mas magandang gawin ang walang gawin. Nakatadhana nga siguro akong mag-isa.





The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon