chapter 17

144 5 4
                                    

Enjoy reading!


Sixteenth day



Develyn's POV

Nagising ang diwa ko nang marinig ang pinto na bumukas. Nakarinig ako ng mga yabag apunta sa akin.





Minulat ko ang mga mata ko nang kaunti para sumilip. Nakita ko si Blaize na nakatayo sa gilid ko kaya agad kong sinara ang mga mata ko.




Anong ginagawa niya dito?




Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko. "Develyn..." Rinig kong sabi niya kasabay nang paghaplos niya sa aking pisngi.





Ang warm ng kamay niya. Imumulat ko ba ang mga mata ko? Ehh nakakahiya ehh.




"Open your eyes, I know you're awake."

Paano niya nalaman? Nakita niya kaya ako? Bahala siya diyan. Magpapanggap pa rin akong tulog.






Humarap ako sa kabilang side ng kama. "Hmmm." Kunwaring daing ko. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa.



Anong nakakatuwa?


"You're a great actress Develyn." Rinig kong sabi niya.



Great actress, ang ganda ng compliment mong iyon Blaize.


"Nag pa deliver ako ng strawberry cake." Kusang bumukas ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.





"Where?" Tanong ko at umupo. Humarap ako sa kaniya at nakita ang kaniyang ngiti.

"Nasa kusina. Good morning." Bati niya at tumayo na. "Good Morning." Bati ko pabalik.




Lumabas na siya sa kwarto, kaya tumayo na ako at humarap sa salamin.



What the... Sobrang gulo ng buhok ko! 



Lumapit pa ako sa salamin upang mas makita ang sarili.


May malaki pa akong muta sa kaliwang mata! Wow great, just great.





"Nakakahiya!" Bulong ko at agad na inayos ang sarili.


Ano ba 'yan. Parang ayoko na tuloy lumabas.


Tinali ko ang buhok ko at muling tiningnan ang sarili sa salamin.



Ano ka ba Develyn? Walang nakakahiya doon, tao ka kaya normal lang na magkaroon ka ng muta pagkagising.





Huminga ako nang malalim at naglakad papuntang pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at lumabas doon.



Naabutan ko si Blaize na kumakain ng cake. Tumingin siya sa akin at inangat ang kaniyang plato. Parang sinasabi niya na kumain din ako.




Bahagya akong ngumuso bago lumapit sa kaniya. "Inunahan mo na ako." Sabi ko bago kumuha ng isang slice ng cake.



"Hmm... Ang tagal mo eh." Simpleng sabi niya. Sumalampak ako sa upuan, sa tabi niya matapos kong kumuha ng cake.




"Sandali, paano mo nga pala nalaman na gising na ako kanina?" Tanong ko at kinuha ang icing sa cake at kinain ito.



Ang sarap.



"I caught you opened your eyes." Napanguso naman ako.


Nakita niya pala talaga 'yun.


The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon