chapter 8

160 6 0
                                    


Seventh day

Develyn's POV


Minulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang bumangon. Ahhh... nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo.





Tumingin ako sa bintana. Umuulan pa rin pero hindi na ganoon kalakas tulad ng kahapon. Nagpalit ako ng panlamig kong damit pagkatapos ay inayos na ang kama.






Tumayo ako nang tuwid at tiningnan ang mga braso ko. Nawawala na ang mga pantal kahit papaano.






Mabuti naman.




Tokk tokk tokk tokk




Napatingin ako sa pinto.


Sino naman 'yun? Umagang umaga nambubulabog.





Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito.



Tumambad sa harap ko si Derick na may dala-dalang food tray at may malawak na ngiti sa labi.






"Good morning Lyn.." Bati nya sa 'kin.



Lyn?


"Morning..." Bati ko din. "May I enter?" Malambing na sabi niya at itinaas ang food tray.





Okay? Anong pakana ito?






"Yes...pero, bakit may paganto?" Tanong ko at binuksan ang pinto sapat na para makapasok siya.






"You're sick... and you need healthy foods. So... here." Nakangiti paring sabi niya.





Hindi naman foods 'yung tinutukoy ko eh.





Tiningnan ko ang nakalagay sa food tray.



Mukhang masasarap naman sila, home made dishes!







"Wait, niluto mo ba 'yan?" Tanong ko. Lumawak ang ngiti niya at tumango-tango.






Oo nga, siya lang naman talaga ang nagluto kase hindi marunong si Blaize.







"Hmm...smells delicious. Pero sana di ka na nag abala pa, I can go downstairs to eat by myself. But thanks for the effort." Sabi ko sa kaniya.





"Anything for MY patient." Napataas ang kilay ko.


Umupo ako sa kama nang pa indian seat. Ganoon din ang ginawa niya, ipinatong niya sa 'kin ang food tray.





"Try this." Kinuha niya ang fork at tumusok ng karne pagkatapos iniharap sa bibig ko.







Naramdaman ko ang pag-skip ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kinikilig ako kundi sa naiilang.







Kinuha ko ang tinidor na hawak niya at nginitian siya at saka sinubo.




Hmmm. Masarap ah.





"Ang sarap! Saan ka natutong magluto?" Tanong ko at muling sumubo ng karne.






"On my own, mahilig kasi akong mag experiment ng mga dishes." Sagot niya. Tumango naman ako nang paulit-ulit.






Napatingin ako sa may pinto nang parang may dumaan doon.





"Why?" Binaling ko ang tingin kay Derick. Ngumiti at umiling.







The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon