chapter 6

159 5 0
                                    


Fifth day


Develyn's POV




Minulat ko ang mata ko nang maramdamang parang may humahaplos sa akin. Nakita ko si Blaize na nasa harap ko.







"Good you're awake. We're here." Sabi niya at lumayo sa 'kin. Umayos ako ng upo at tinanggal ang seatbelt ko.








Hindi siya nagsalita at kinuha ang gamit ko sa loob ng kotse. Lumabas na ako ng kotse at sinalubong ako ng lamig.






Nasa Baguio na kami!




"Come on." Ibinaling ko ang tingin sa isang mansyong na sa harap ko. Kulay puti ang pintura at maraming halaman sa paligid.





"Is this yours?" Tanong ko. "Yes, my rest house." Sagot niya. "Why didn't you parked your car at the garage?" Tanong ko.






May nakita kasi akong malaking garage dito sa gilid ng mansion. "Because we are here to tour you not to take a rest." Sabi niya naman.





Oo nga, pero paano siya?






"You should take a rest. Ilang oras kang nagmaneho. Kumain na lang muna tayo ng lunch then pagkatapos mag-ikot na tayo." Suggest ko.






Tumango lang siya. Binuksan niya ang malaking gate ng mansion at saka pumasok. Dala-dala niya ang bag ko kaya wala akong dalang gamit.






Ang lawak dito, mas malawak pa sa mansion namin, sabagay syudad kasi dun. Dito ay sobrang payapa at kakakunti lang ang mga tao. Sorbrang sariwa pa ng hangin.






Nilabas ni Blaize ang isang susi at binuksan ang pinto.






Wow, ang ganda at ang linis tingnan ng mansyon niya dahil sa kulay puti ang tiles at grey and black ang designs.







"You don't have maids?" Pagkukumpirma ko dahil walang tao rito. "I don't have, I can live without them." Walang buhay na sagot niya.






"This mansion seems big for just two person." Wika ko. Hindi naman siya nagsalita.







"I forgot, there's no any food here." Rinig kong sabi niya.




"So...what are we gonna do?" Tanong ko, hindi pa naman ako gutom, pero baka siya gutom na.








"Hmmm I'll buy foods. Wait me here." Sabi nya at agad na kinuha ang susi ng kotse niya.





Hindi na ako nakapagsalita. Pinanood ko lang siyang lumabas ng mansyon at sumakay ng kotse. Naglakad na lanh ako papunta sa main door para isara ito.






Inilibot ko ang paningin ko sa buong salas.





Medyo madumi dito...kailangan ko muna sigurong maglinis, para hindi naman nakakahiya kay Blaize.






Nagtungo ako sa kusina at tiningnan kung ano ang meron doon.






Maaliwalas dito, pero parang ang lungkot...





Nakita ko ang walis sa may gilid at kinuha iyon. Bumalik ako sa salas at nag-simulang mag walis.







"Haching!" Bahing ko.




Ahh...





Pinisil pisil ko ang tungki ng ilong ko.




Madami pala talaga ang alikabok pag malapitan.







The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon