Chapter 22

108 7 0
                                    

Twenty-first Day


Develyn's POV


"Beautiful." Rinig kong sabi ng isang nilalang.




Sino ba 'yun? Umagang umaga nambubulabog.




"Hmmm." Daing ko nang makaramdam ako ng malambot na bagay na bumalot sa aking katawan.






Marahan kong minulat ang aking mga mata at nakita si Blaize na inaayos ang kumot na nakabalot sa akin.







"Blaize? What are you doing here?" Takang tanong ko habang kinukusot-kusot ang mata.






"Good morning, nothing I just missed you." Nakangiting sagot niya.





Hindi ko masyadong narinig 'yung dulo dahil pabulong na lang iyon.






"Morning too. Hintayin mo na lang ako sa kusina, ipag luluto kita." Utos ko sa kaniya. Tumango naman siya at naglakad na palabas ng kwarto.








Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko bago lumabas ng kwarto, tapos dumiretso sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.







Pag dating ko sa kusina, Naabutan ko si Blaize na hinahanda ang mga ingredients.






"What do you want me to cook?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga ingredients na nakalatag sa lamesa.






"Anthing, pwede mo akong turuan mag luto?" Tumingin naman ako sa kaniya. "Hmmm mamaya na lang sa lunch natin, ngayon. Soup na lang muna." Sabi ko.








"Okay." Maikling sagot niya at nagsimula ng mag pwesto sa hapag kainan.





Sinimulan ko naman ang pag luto ng soup.





Plano kong sabihin sa kaniya mamaya ang nalaman ko.





"Blaize, paano mo nga pala nalaman na nasa coffee shop kami kahapon ni Derick?" Tanong ko.






"Nang lumabas ako sa kwarto, nakita ko wala ka na, tapos, nag vibrate phone mo---and how did you get Derick's number?" Tanong niya habang nakaupo na sa upuan.






Siguro, hahayaan ko ng malaman niya ang nga bagay-bagay kahit paunti unti. Para siya na lang ang magtanaong, at sasagutin ko na lang nang totoo.








"Kay Zia...kinuha ko 'yung number ni Derick kay Zia." Sagot ko naman.








Inaasahan kong mag tatanong pa siya pero hindi na siya nagsalita pa. Pinatay ko na ang stove at kumuha ng mangkok at naglagay na ng soup.









"Lets eat." Aya ni Blaize at akmang kukunin ang soup pero tinapik ko ang kamay niya. "Pray muna tayo." Nakangusong sabi ko. Nagbuntong hininga naman siya at pumikit.








Matapos naming mag dasal. Agad niyang kinuha ang soup.






Di naman halatang gutom siya noh?







Akala ko ilalagay niya iyon sa plato niya, 'yun pala sa akin.






"Kumain ka nang marami ha?" Malambing niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.








The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon