chapter 19

142 3 5
                                    

Eighteenth Day




Develyn's POV




Minulat ko ang mga mata ko at sinalubong ang titig ni Blaize sa akin. Bahagya kong itinago ang mukha ko dahil sa hiya.





Kailangan ba talagang tumitig siya sa 'kin habang natutulog ako?





"Sorry... Did I woke you up?" Tanong niya habang paupo sa tabi ko. Iling lamang ang naging sagot ko.





Ano ba Blaize! Huwag mo muna akong kausapin! Hindi pa ako nag totooth brush eh.





"Good morning...I'll wait you at the salas." Sabi niya at tumayo na pagkatapos, naglakad palabas ng kwarto.




Dahan-dahan naman akong umupo. Pinagasdan ko ang paa kong may bandage.



Hmm... Parang magaling na siya ah?





Bahagya ko itong ginalaw galaw, napangiti ako nang hindi na ako masyadong nakaramdam ng sakit. Dahan-dahan akong bumangon habang nakahawak sa table sa tabi ko.






Tumatalon talon ako nang nakaangat ang isang paa papuntang banyo. Binuksan ko ang pinto at nag hilamos doon at nag tooth brush. Bumalik ako sa higaan upang ayusin ang mga gamit ko roon.






Matapos kong maayos ito, naglakad na ako palabas ng kwarto dala-dala ang gamit ko.





Naabutan ko si Blaize na pinapakain si Eve ng feeds. Agad siyang lumapit sa 'kin nang makita ako.





"You should had called me. Masakit pa ba?" Tanong niya tinutukoy ang paa ko at binuhat ang gamit ko kasabay ng pag-alalay niya sa akin paupo sa sofa.






"No... Kaya ko naman eh." Sagot ko. "Wait, kumain ka na muna bago tayo unalis." Sabi niya at pumunta ng dining area.




Tiningnan ko si Eve na kumakain na. "Here." Sabi ni Blaize sa akin, inabot ko ang pagkain na binibigay niya.





Nagmamadali ba siya?





Sinimulan ko na ang pagkain ko at pinagmasdan si Blaize na ayusin ang mga gamit niya.





"Ilalagay ko lang ito sa kotse." Pag papalam niya, binigyan ko lang siya ng tango dahil kumakain ako.





Inilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko nang matapaos na ako, at hinugasan ito.




Naglakad ako pabalik sa kwarto ko upang mag palit ng damit kasi nakapantulog pa ako.





Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok. Inilibot ko ang mata sa buong kwarto upang tingnan kung may naiwan ba ako.




Wala naman.





Kinuha ko ang phone kong na sa lamesa bago lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa bintana para hanapin si Blaize.




Ang tagal naman niya.




Naglakad ako palabas ng cottage, sumalubong sa akin ang sariwang hangin at ang simoy ng dagat. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ito.





Haayyy... Salamat dahil, binigyan ako ng chance na makita ka pa.





Namulat ko agad ang aking mga mata nang may marinig akong nag flash na camera.




The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon