Chapter 23 (Part one)

135 7 2
                                    

Twenty-second Day






Develyn's POV




Madaling araw na, wala pa din si Blaize, kahapon niya pa ako iniwan. Hanggang ngayon di pa rin siya bumabalik.







Kanina ko pa siya tinatawagan, tinitext pero di siya sumasagot. Kinakabahan na ako.








Ininom ko ang kapeng nasa tasa at muling tiningnan ang orasan bago ang cellphone. Pumunta ako sa contacts at muling dinial ang number ni Blaize pero wala pa ring sagot tulad ng kanina.






Blaize...nasaan ka na ba?






Kinagat ko ang ibaba kong labi.





Puntahan ko na lang kaya siya? Pero saan naman?





"Ohh Blaize where are you?" Tanong ko sa sarili at sumandal sa sofa.






Tawagan ko na lang kaya si Derick or Zia? Magalit kaya si Blaize?






Bahala siya kumg magalit siya! Pinag aalala niya ako eh!





Pumunta ako sa contacts at dinial ang number ni Zia.




Wahhh di siya sumasagot.






Sunod ko namang tinawagan ang number ni Derick. Nakailang ring ito bago sinagot.






"Derick?" Tawag ko sa kabilang linya. "Lyn...is everything alright?" Nag aalalang tanong niya sa bagong gising na boses.









"Sorry to disturb you, si Blaize kasi eh...kahapon pa siya umalis, pero hanggang ngayon wala pa rin." Sabi ko sa kaniya.








Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya. "Really? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita." Sabi niya. Nasa condo niya ako---"





"Okay, wait me there..." Putol niya sa akin bago ibinaba ang tawag. Ibinaba ko na ang phone ko.







Sandali? Bakit ako ang pupuntahan niya? Hindi ba dapat si Blaize?






Ilang minuto ang lumipas pero wala parin si Blaize.





Nasan na kaya ang lalaking iyon? Kung nasaan man siya, sana okay lang siya.






Masyado siyang nasakatan dahil sa mga nalaman niya, kaya alam kong kailangan niya talaga ng time and space.







Pero sana sinabihan niya man lang ako kung nasaan siya, para hindi ako nag aalala nang ganito.






Napatingin ako sa pinto nang may marining akong ingay sa labas.









(A: Sino kaya iyon?)











Naglakad ako papunta doon, "Nandiyan na..." Sabi ko nang may kumatok, binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang nag aalalang mga mata ni Derick.









"Hey, are you alright?" Nag aalalang tanong niya sa akin. Naguguluhan man sa tanong niya ay tumango ako.







Binuksan ko nang malaki ang pinto para makapasok siya. "I need your help, we need to find Blaize." Sabi ko sa kaniya at umupo sa sofa. Umupo din siya sa tabi ko.








The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon