Chapter 30

84 2 0
                                    


Twenty eight Day





Third Person's POV




Marahang gumalaw ang ulo ni Develyn kasabay ng pagmulat ng kaniyang mga mata.






Agad na dumako ito sa mahimbing na natutulog na si Blaize.







Wala ng mas sasaya pa sa isiping ang taong mahal mo ang bubungad saiyo pag kagising mo.






Pinagmasdan niya sa Blaize na mukhang napagod ata sa kakabantay sa kaniya kagabi.






Hindi niya mapigilang mapangiti sa sayang nararamdaman dahil hindi niya lubusang maisip na narito ang binata sa tabi niya.







Hindi siya kinatatakutan o ano paman. Siya na yata ang pinaka swerteng babae ngayong araw, ngayon lang, dahil bukas ay ang araw kung kailan matatapos ang kaligayahan niya.







Babalik na siya sa langit, ngunit diba dapat ay hindi siya nakakaramdam ng kalungkutan?






Dahil iyon naman ang gusto niyang mangyari.



Pero sa sitwasyon niya ngayon, sa nararandaman niya ngayon.





Mukhang mas nanaisin niyang manatili dito para makasama si Blaize.





Ang lalaking mahal niya.





Tinagilid niya ang kaniyang ulo at hinawakan sa buhok si Blaize. Pinagmasdan niya ang mukha na kahit sinong babae ay papantasyahan ang kaniyang pisikal na kaanyuan.






Kinaiinggitan ng mga kalalakihan ang makapal niyang kilay, na mas nakakapamanly sa kaniya, ang manipis at natural na pula ng labi.





Ang pilikmata niyang parang naka eyeliner. At ang matangos niyang ilong.





Ngunit ni isa doon ay walang nakakuha ng puso ni Develyn, bagkus ang kaniyang bad boy attitude at kung papano siya unti unting nag bago.






And of course the way he expresses his feelings towards her, is all pure bliss.





"Staring is rude honey." Sabi ni Blaize sabay mulat ng kanan niyang mata.







Agad namang nag iwas ng tingin si Develyn at binitawan ang buhok ni Blaize na para bang napaso siya.



Napangiti naman ang binata sa reaksyon niya.





"Good morning honey." Masiglang bati ni Blaize sa kaniya. "Morning." Mahinang bati naman pabalik ni Develyn.





Akmang mag sasalita si Blaize nang may kumatok sa pinto. Pumasok dito ang isang lalaking nakaputi, at inabot ang pagkaing nakalagay sa tray at nakabalot pa.







"Good morning sir, this is the patient's food po." Tumango naman si Blaize at kinuha na ang tray.






"Salamat po." May tipid na ngiting sabi ni Develyn. "Let me serve you." Ani Blaize nang makaalis na ang lalaki.





Akmang uupo na siya nang biglang umangal si Blaize. "Wait! Baka mabinat ka." Sabi nito at nagmamadaling lumapit sa dalaga at tinulungang maka upo.






"Thank you." Ngiti lang ang tinugon ni Blaize, bago tinanggal ang wrap ng pagkain.





Umupo ito sa gilid niya. Kumuha ng kanin at ng ulam sabay tapat sa bibig niya ng kutsara. Naiilang na pinasadahan siya ng nagtatakang tingin ni Develyn.







The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon