Chapter 25

100 3 0
                                    

Twenty-third Day




Develyn's POV




Dream~




Inikot ko ang paningin sa isang madilim na lugar, tanging dilim lang ang nakikita ko, pati na ang parang sahig na tinatapakan ko, nasaan ako?








May naaninag akong liwanag sa di kalayuan, naglakad ako papunta doon, hanggang sa palakas na nang palakas ang liwanag.






Ginawa kong pananggala ang aking kamay para sa liwanag. Tumigil ako sa harap ng isang anghel...si Adrian.





Sa kaniya pala nagmumula ang liwanag.





"Kamusta?" Nakangiting bati niya sa akin, ginantihan ko naman siya ng ngiti bago sumagot.







"Okay lang, pero nasaan ako?" Tanong ko. Nagsimula siyang maglakad, kaya naglakad na din ako.








"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo Develyn...kalimutan mo ang nararamdaman mo kay Blaize." Sinabi niya na nagpahinto saglit ng tibok ng puso ko.







"Bakit?" Pinili kong itanaong kahit alam ko na ang sagot. "Dahil, task lang naman ito, hindi ka dapat nahulog. Parehas lang kayong mahihirapan." Sabi niya.






Tumigil ako sa paglalakad. "'Yun lang ba talaga?" Seryosong tanong ko at sinundan siya nang tingin. Tumigil siya sa paglalakad.






"Oo." 






"Kapag ba nahulog ako sa kaniya may kaparusahan?" Agad kong tanong.






"Mali ang tanong mo, nahulog ka na sa kaniya Develyn." Pag tatama niya.








"Kung gayon, anong kaparusahan? May kaparusahan ba?" Tanong ko.







"Kung meron, anong gagawin mo?" Tanong niya pabalik. Hindi na ako nag isip pa bago sumagot.






"Wala akong magagawa--tatanggapin ko." Matapang na sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa.








"Nagkakamali ka, may magagawa ka--pero mas pinili mong walang gawin, huwag kang mag alala, dahil wala namang kaparusahan doon." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.








"Dinalaw lang kita, nagbabakasakaling baguhin ang nararamdman mo para sa kaniya--tumutulong na mapadali sana ang sitwasyon niyo." Nakangiting sabi niya.








"Hindi na magbabago pa ang desisyon ko, Adrian. Mamahalin ko siya." Desedidong sabi ko.







"Ikaw din...sana hindi mo pagsisishan."






~~





Minulat ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang puting kisame, tinitigan ko ito at matamang nag-isip.






Hinding hindi ko ito pagsisisihan.







Dahan-dahan akong umupo, hinagod ko ang buhok ko at huminga nang malalim.







I'll let my heart beat for you now Blaize. And I won't regret it.







The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon