chapter 21

95 5 0
                                    


Twentieth Day




Develyn's POV



Kumakain kami ni Blaize, dito sa unit niya. Pinagluto ko siya ng tinolang manok na nagustuhan niya naman ata, dahil kanina pa siya kain ng kain nang hindi umiimik.







"Where do you want to go now?" Basag ni Blaize sa katahimikan. Binaba ko naman ang kutsara bago nag salita.





"I just want to stay here today with you, pag-usapan 'yung tungkol sa family mo."






"Develyn...sayang lang 'yung oras at ayokong madamay ka sa nangyayari sa family ko." Sabi niya nang nakatingin sa akin.







Blaize, attached na ako sa family mo simula pa nung una. Dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.








"Kahit kailan, hindi ko inisip na sayang ang oras ka tuwing kasama ka. Okay lang naman sa akin na dito muna tayo. Kahit at least two days lang na pahinga." Pangungumbinsi ko sa kaniya.






Hindi ako pagod, siya lang ang inaalala ko.






Tumango lang siya. "How's my tinola?" Pag-iiba ko. Sinisip niya naman ang manok bago nagsalita.









"It taste like---" "Water... Yeah yeah I know." Pag putol ko sa sasabihin niya na ikinatawa niya naman.







"Nah actually it's tasty. In a good way huh." Kumento niya, napangiti maman ako.






Di ko alam kung sinasabi niya iyon dahil nagpaparami siya ng points sa akin o dahil totoo.









"I thought you would say, 'it taste like water' again, like what you commented on my other dishes." Matabang na sabi ko sa kaniya.







"Actually, I was lying that time... I really like your dishes---Nah, I love them." Pag amin niya.







Lumundag naman ang puso ko sa tuwa.







Sabi ko na nga ba eh. Masarap talaga akong mag luto!






"I know right!" Nakangising sabi ko. Umiling-iling naman siya bago muling uminom ng sabaw.







"You'll be a great wife in the future." Nakangiting sabi niya. Unti-unti namang nawala ang ngiti ko sa labi.







Great wife? Pwede na rin pero kung sa future pa, hmmm sana ll na lang.







"Are you okay?" Biglang tanong ni Blaize, napansin siguro ang pag tahimik ko. Inangat ko naman ang tingin sa kaniya at binigyan siya ng matamis na ngiti.








"Oo naman." Tanging sinabi ko. Pinag patuloy ko na lang ang pagkain ng tinola.









"Do you have sibling?" Tanong niya bigla. Marahan naman akong tumango.






"Hmm yeah...pero hindi ko siya nakikita." Sagot ko naman, nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.








"A-ammmhh...broken family kasi kami." Mahinang sabi ko. Bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata. Tumikhim muna siya bago nag salita.








The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon