chapter 5

148 4 0
                                    


Fourth day

Develyn's POV

Kumakain ako ng almusal kasama sila Blaize. Adobo 'yung ulam namin, ako nagluto syempre.







Tumutupad naman sa usapan si Blaize, hindi siya uminom ng malamig na tubig ngayong umaga. Maligamgam lang.







Napansin kong kanina pa tumitingin si Blaize sa kamay kong napaso. Tiningnan ko rin naman ito.








"I took the fabric off... okay na kasi siya." Sabi ko at pinakita sa kaniya ang kamay ko nang buo.







"I'm not asking." Walang buhay na sabi niya. Hindi na ako nagsalita.







"Kuya, hindi ba talaga ako sasama?" Pangatlong tanong na ni Zia iyon kay Blaize.








Nakita kong huminga nang malalim si Blaize pagkatapos ay tumingin nang diretso sa kapatid niya.







"Mom needs you. Pagkatapos mong kumain, go home." Utos ni Blaize.






"Fine! But, please take care of ate Develyn okay?" Hindi naman umimik si Blaize. "Ate, please learn to love my kuya ha." Inosenteng sabi sa akin ni Zia.








"Zia..." Suway ni Blaize. Tumawa lang ako. "What? Just eat your food kuya." Sabi ni Zia at inirapan ang kuya niya.



Tumayo na ako at hinugasan ang pinag kainan ko.





"Blaize mag-iimpake na ako ah." Paalam ko sa kaniya nang matapos na akong mag hugas at agad na dumiretso a sa guest room.





Bumili naman ako ng bag kahapon kaya madadala ko na lahat ng kailangan ko.





Pero hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa Baguio. Ay one month lang pala kami dun, kasi, one month lang ang binigay sa aking oras.







Pero sa tingin ko...hindi lang kami sa baguio pupunta kasi hindi na iyon tour. Hay bahala na.





Pagkatapos kong mag-impake ay kinuha ko na ang sosootin kong damit at dumiretso sa cr. Tinanggal ko ang saplot ko at naligo.







Ngayon lang ako pupunta ng baguio, kasi hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapunta doon. Hindi naman problema ang pera, dahil may pambayad naman ako.







Eh ang kaso wala naman akong kasama. Ang wish ko kasi 'yung parents ko ang makakasama ko. Kasi kung nag-kataon, iyon ang pinakaunang out of town namin.






Kaso wala na... pero okay lang, napatawad ko na sila.








Nag lagay ako ng lotion sa katawan ko pagkatapos kong maligo at isinoot na ang long sleeves at nag leggings lang.





Sinoot ko na din ang binili kong sapatos. Pagkatapos, lumabas na ako ng cr. Pumasok ako sa guest room at nag suklay.






Kumuha ako ng papel at ballpen dito sa drawer.




Thanks for letting me stay here...


Tanging sinulat ko at inipit iyon sa ilalim ng flower vase. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto.



"Ate Develyn!" Humarap ako kay Zia at mabigla nang yakapin niya ako.






"Why?" Nagtatakang tanong ko at niyakap din siya. "I'll miss you." Napatawa naman ako.








The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon