Chapter 27

77 2 0
                                    


Twenty-fifth day



Blaize's POV




Minulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay. Nakita ko ang isang nurse na chineck ang dextrose ni Develyn.





"Good morning sir." Nakangiting bati niya.





"Morning honey." Bati ko kay Develyn, na parang wala akong narinig na kahit anong sinabi ng nurse.




Ayokong mag selos si Develyn.




Mayamaya pa ay lumabas na din siya.



Nandito kami sa isang hospital, dinala namin dito si Develyn kahapon, dahil bigla na lang siyang nahimatay.





Nagbuntong hininga ako bago sumilip sa orasan, alasingko na.





Tiningnan ko nang matiim si Develyn. Hindi pa siya gumigising mula kahapon, mula ng nahimatay siya.






Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinalikan ang likod nito.





"Wake up for me honey, I miss you." Malambing na sabi ko sa kaniya.





Ibinaba ko ang kaniyang kamay nang marinig kong bumukas ang pinto, hindi na ako nag abala pang lumingon.






"Kuya, eat these foods na, ako muna mag babantay kay ate Develyn." Rinig kong sabi ni Zia.






Umiling naman ako. "I'm full. Sige na, kumain na lang kayo." Sabi ko sa kaniya.




"Tapos na kaming kumain kuya." Sabi naman niya.





Hindi na ako nag salita pa. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Zia.




"Kuya, magagalit si ate Develyn sayo kapag nalaman niyang di kapa kumakain." Pangungulit niya.





"Now, I know you still care for me." Sabi ko sa mapait na tono.






"I thought I was replaced by Derick..." Patuloy ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.





"This is not the right time to talk about it kuya and, y-you will always be my kuya." Madamdamin niyang sabi. Hindi na lang ako umimik.





"So, eat ka na kuya." Dagdag niya.




"Zia, I'll not eat, gusto ko sabay kami." Matigas na sabi ko.





"Babe, let him, just take a nap here." Rinig ko namang sabi ni Charles. Sinunod naman siya ni Zia.





Tss, pag si Charles sinusunod, pag ako.





Tinuon ko ang pansin ko kay Develyn.


Honey, can you please open your eyes for me now?




Hinagod ko ang buhok ko at muling tinitigan si Develyn.



Napakunot ang aking noo nang makita ko ang isang butil ng luha na bumaba sa kaniyang pisngi. Marahan ko iyong tinanggal gamit ang aking hinlalaki.





"Develyn?" Tawag ko rito. "N-no..." Rinig kong bulong niya.



She's probably dreaming.




Hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay at kiniskis ito sa aking kamay.





Sinusubukang pakalmahin siya kahit sa kaniyang panaginip.



The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon