Chapter 20

114 6 6
                                    


Nineteenth Day

Develyn's POV

Nandito ako ngayon sa kitchen area sa condo unit ni Blaize at nagluluto ng lugaw. Eight o'clock na pero tulog pa din si Blaize.




Pagod na pagod talaga siya. Kahit hindi niya sabihin halata naman sa eye bags niya.





Pakiramdam ko hindi siya nakakatulog nang maayos kakaisip kay Zia.



Kawawang Blaize.





Kinuha ko ang bawang na tinadtad pagkatapos ay prinito. Hinalo halo ko naman ang lugaw at nilagyan ng chicken.







Hmmm ang bango.



Habang hinihintay na maging golden brown ang bawang, sinumulan ko naman ang pag aayos ng lamesa.



Gusto ko sana na sa kahit maliliit lang na bagay. Maibabalik ko sa kaniya ang pag tulong niya sa akin.





Pero, parang ayoko nang umalis. Gusto ko dito na lang.

Kasama siya. Pero, wala akong magagawa eh. Iyon ang mangyayari.





Nag buntong hininga ako at tiningnan ang bawang.




"'Yan, okay na." Sabi ko at nilagay ito sa mangko. Pinatay ko na ang kalan at naglakad papunta sa kwarto ni Blaize. Marahan kong binuksan ang pinto.




Ngayon pa lang ako makakapasok sa kwarto niya.




Madilim. Parang gabi lagi dito.



Magagalit kaya siya pag nalaman niyang pumasok ako sa kwarto niya?



Binuksan ko pa ang pinto para may mag bigay sa akin ng liwanag.





May naaninag akong isang hubog ng katawang nakahiga, nakatalikod sa akin. Tahimik akong naglakad papunta roon. Napatingin ako sa lamp shade sa gilid ng kama ni Blaize.




Binuksan ko ito. Agad akong napa tingin kay Blaize nang marahan siyang gumalaw paharap sa akin.




"Hmmm..." Rinig kong daing niya. Balot na balot ng kumot ang kaniyang katawan.



Mukha siyang may sakit.





"Blaize..." Tawag ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Napag desisyonan kong umupo na lang sa tabi niya.



Huluh!

Ganoon na lang ang aking pagkagulat nang maramdaman ang init ng kaniyang katawan.


Nilalaganat siya! Hinawakan ko siya sa noo.




"Blaize, okay ka lang?" Tanong ko at bahagya siyang niyug yog.




"D-develyn? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Blaize sa paos na boses at sinubukang umupo pero pinigilan ko siya.





"You're in fever, humiga ka lang muna." Sabi ko sa kaniya pero hindi siya nag paawat na umupo.




"N-no I'm fine..." Tanggi niya nang nakakunot ang noo. Sobrang gulo ng buhok niya, bahagya pa siyang maputla.





"Let me take care of you. Dito ka lang." Utos ko bago tumayo. "I'm okay Develyn." Sabi niya at hinawakan ako sa pulsuhan. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.





The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon