chapter 15

127 4 0
                                    


Fourteenth day





Develyn's POV





Nakapikit ako ngayon ngunit gising ang diwa ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pati ang pagsara nito. Naramdaman ko ang pag-upo sa tabi ko ng isang nilalang.









Derick...






Hindi ko pa rin lubusang maisip ang nararamdaman niya para sa 'kin.







Hinawakan niya ang noo ko at hinaplos ito pababa sa buhok ko.








A-anong ginagawa niya? B-bakit niya ako hinahawakan? Imulat ko na lang kaya ang mga mata ko?






"I'm sorry Develyn..." Napatigil ako sa pag hinga nang marinig ko ang boses ni Blaize.








S-sandali? Nandito si Blaize? S-siya ang humahaplos sa akin!









"I'm sorry for leaving you..." Mahina niyang sabi, bakas sa kaniyang boses ang pag-sisisi at lungkot.







Imumulat ko na ba ang mata ko? Pero baka kasi may sabihin pa siya. Gusto ko munang marinig. Hindi naman sa umaasa pero...






Baka lang naman.






Patuloy niya lang hinahaplos ang buhok ko. Mayamaya pa ay tumigil na siya sa paghaplos, nakaramdam ako ng paglubog ng kama.







Bakit bumibigat?








Nanigas ako nang maramdaman kong dumampi sa noo ko ang labi niya.







Thud thud thud







B-bakit niya ako hinalikan? H-hindi ko na kaya.










Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang magtatagpo ang tingin naming dalawa.








"W-what are y-you doing?" Utal na tanong ko sa kaniya.







Hindi nag bago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang sobrang daming mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan.







Natikom ko ang labi ko nang bigla niya akong yakapin.








Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya.









"Develyn...don't do this again huh?" Sabi niya sa akin habang nakayakap pa din. Hindi naman ako nag salita, ni gumalaw hindi ko magawa.







A-ano bang nangyayari talaga?







Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mata ko nang diretso.








"I didn't do this okay? It was an accident." Sabi ko habang sinasabayan ang tingin niya. Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.









Para siyang nakainom.








"Tell me what happened?" Tanong niya bago umupo sa tabi ko.






Umiwas ako nang tingin bago nagsalita. "I tried to follow you, to talk to you...but I was slipped on the stairs because... I am clumsy remember." Sinadya kong tumawa sa dulo.





The Ghost Disappeared (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon