Chapter 1 - It's Him

168 4 0
                                    


It's Him





It's already past 7pm ngunit wala pa si Kael. Nasaan na ba siya? Nagsisialisan na ang ibang customer na kasabay ko nga lang din pumasok dito kanina.

At gutom na rin ako.

I am here at our favorite restaurant. Ilang taon na kami pabalik-balik rito. Nagkaroon na nga kami ng discount card because of that. Well, I really love their Roasted Beef Italian Style.

Iginala ko ang aking tingin sa paligid. The ambiance is still refreshing and very classic. Feeling ko ay dinadala ako sa panahon ng mga kastila. Kulang na nga lang ay mag Filipiñana kami dito para classic na classic talaga. I can't imagine wearing a Filipiña in this tropical country.

But time flies so fast. Millennial na ngayon. And I hate what I am seeing right now sa labas ng restau. May dumaang babae. Suot ang maikli na nga ang shorts, punit punit pa. With matching tank tops. And heels.

Really?

Saan ang rampa natin teh?

Napailing na lamang ako. It's her style. Kung komportable siya sa ganoon na suot, so be it. Sabi nga nila, walang basagan ng trip. May lumapit sa akin na waiter. Actually, pangatlong punta na niya dito para tanungin ako kung ano order ko.

Sige na nga, oorder na.

"One Iced Tea please?" Sabi ko. Tumago ang waiter at nilista ang order. After that, umalis na siya.

I checked my phone. Wala man lang text si Kael if malilate ba siya or hindi na darating.

Mas nauna pa dumating ang order ko kaysa sakanya.

"Salamat." Sabi ko.

"Enjoy your drink, Ma'am." Sabi ng waiter sabay ngiti nito sakin.

Naku. Feeling ko nasa 18-21 edad nito. Kanina ko pa kasi napapansin na nagpapa-cute siya. If he only know, I may look young but I'm already 28.

At dahil bored na ko sa kahihintay, nagtext na ako kay Kael.

'Kael, saan ka na? Darating ka pa ba?'

After that, I checked my IG and Twitter. As usual, mga hugot ang nababasa ko sa twitter. Sa IG naman, puro selfies ng mga kakilala ko.

Scroll down..

Scroll down..

Wait..

Nag scroll up ako dahil may nakita akong post ni Gy. It's a wedding invitation.

Nice! I saw my name listed there.

Georgette Avalon Vinsola

Tinignan ko ng mabuti yung design. Well, maganda ang design ng invitation. I'm not good in describing things pero maganda talaga siya.

Binasa ko lahat ng mga pangalan ng mga nakalista doon. But there's one name who really caught my attention. Inilapit ko pa ng mabuti ang cellphone ko sa mukha ko para mabasa ko ng maigi.

Rogen Sage Abuevo

Wtf.

Kaano-ano siya ng fiancé ni Gy?!

Muntikan ko pang mahulog ang aking cellphone dahil sa biglang pag vibrate nito.

1 message received
Kael
I'm so sorry..hindi ako makakarating. May biglaan akong meeting. Babawi ako bukas. I'm sorry. Kumain ka na. Ingat pauwi.


Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon