Reyna Elena"Manang Rosita, kamusta po ang paghahanda?" Tanong ni Sage sa kanya habang ang iba ay abala sa pagluluto dito sa kanyang mansyon.
Kafiestahan ngayon dito sa Isla Pasa kaya naging abala ang lahat sa paghahanda. Maaga rin akong gumising dahil tutulong ako sa paghahanda. Si Manang Lea naman ay nagpunta ng Chapel upang tumulong doon. Napag-alaman kong Relihiyosa pala siya kaya't hindi na maitatanggi ang kagustuhan nitong tumulong sa pag aayos ng chapel at maging sa patron ng isla. Si Saria naman ay naimbitahan upang maging muse sa isang parada na gaganapin mamayang hapon kaya naging abala rin ito.
"Ava, why are you here? Baka mapagod ka." Napatingin ako sa nagsalita at nagtama ang aming mga mata. Nakatingin lang siya sa akin na may pag-aalala at heto na naman ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa akin.
"Aray!" Bigla akong napatalon ng may tumalsik na mainit na mantika sa aking braso mula sa piniprito kong karne. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na si Sage at agad na inangat ang aking braso. Hindi nakaligtas sa akin ang mga makahulugang tingin ng mga kasama ko sa paghahanda ng pagkain dito sa kusina.
"Ang sweet mo talaga sir sa asawa mo ano po?" Pabiro ng isang kasama namin dito sa kusina na siyang pagmula naman ng aking pisngi. Kaya ba ganyang sila makatingin dahil akala nila ay asawa ako si Sage?
Sinagot iyon ni Sage ng isang ngiti at pagkatapos ay tumingin muli sa akin.
"Halika gagamutin natin. Masyadong malaki yung mantikang tumalsik sayo." Sabi niya ngunit hindi ako gumalaw. Mataman niyanh sinusuri ang parteng natalsikan ng mantika. Hinayaan ko na lamang siyang tignan ito.
"Ayos lang ito. Malayo ito sa bituka." Binawi ko sa kanya ang aking braso at nagtungo sa may ref at kumuha ng tissue na nakalagay sa taas nito. Pinunas ko ang mantika. May hapdi ng konti pero hindi naman ganoon kasakit.
"Maalala talaga itong si Sir Sage ano ho ma'am?" Pabulong na sabi ng katabi ko.
"Ah eh o-opo.." Sabi ko at awkward na ngumiti. Umatras naman ang babae at bumalik sa kanyang ginagawa. Totoo naman na napaka-maalaga na tao ni Sage. Sa sobrang maalaga niya ay parang nahihiya na ako. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa lahat. Sa pagkupkop niya pa lang sa akin ay lubos na akong nagpapasalamat sa kanya.
"Ava, may pupuntahan tayo. Hayaan mo na sila gawin iyan." Sabi nito na agad ko naman sinunod. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Iniwan na namin ang mga tao sa may kusina na panay tukso sa amin.
"Teka.. magpapalit lang ako ng damit." Sabi ko sa kanya na agad naman niyang paghawak sa aking siko upang pigilan sa paglalakad. Maging ang simpleng paghawak niya sa akin ay naghahatid ng kakaibang kuryente sa sistema ko.
Ano ba meron sa lalaking ito at bakit sobrang lala naman ng epekto niya sa sistema ko?
"No need to change. You are pretty in your dress anyway." Sabi nito at maingat na ikinawit ang aking kamay sa kanyang mga braso. Hindi na ako nakapag-salita at sumunod na lang sa kanya papasok ng kanyang Wrangler. Tinignan ko ang aking sarili sa side mirror ng sasakyan.
You are pretty in your dress anyway.
Pretty? Eh mukha nga akong musmusin sa suot kong daster na lagpas tuhod. Tapos yung buhok ko hindi gaano maayos ang pagkakapusod dahil may mga iilang hibla na nakatakas dito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang maingat itong nagmamaneho. Binabagtas namin ang daan kung saan kitang-kita ang magandang kulay asul na dagat. Nakaharap ako sa kanya habang inaayos ko rin ang aking buhok na siyang paglingon naman nito. Mabilis lang niya akong sinulyapan at muling nagfocus sa pagmaneho.
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?