Chapter 18 - Anyone of Us

22 2 0
                                    

Anyone of us

Kinaumagahan ay nag asikaso na ako dahil pupuntahan ko nga pala ngayon si Magie sa place niya. Ngayon ang rehearsal para sa nalalapit na kasal ng kaibigan namin. Medyo malapit naman yung simbahan, mga 30 mins na byahe kung walang traffic.

Since 2pm naman daw yung start, 12 pa lang ay paalis na ko dala ang aking sasakyan. Tapos na din naman ako mag-lunch.

Tatawagan ko na sana si Magie kaso mukhang naka-off ang cp niya. My goodness baka tulog pa ang babae na yon.

Pagkatapos ng ilang minuto, narating ko na rin ang place ni Magie.

Nang nasa tapat na ako ng pinto at nag door bell na ko. Good thing ay bumukas din agad ang pinto. Hay salamat at gising na itong si Magie. At nakabihis na. Wow.

"Magie--" Tili ko at pagkatapos ay pumasok agad sa loob. Natigil nga lang ako sa pag sasalita ng mapansin ko ang dalawang lalaki na nasa loob ng condo niya. Automatic na tumaas ang isang kilay ko, like asking her of 'what's going on?'

In no time, bigla ako tinangay ng kaibigan ko papalabas ng condo niya.

"Let's go Georgette. Malilate na tayo sa practice."

***

"Hoy sino yung dalawa na nasa condo mo?" Curious na tanong ko sakanya. At kailan pa siya natuto mag uwi ng lalaki sa condo niya? I mean...ang akala namin ay bukod sa work, ay puro lang tulog alam gawin ng babaeng to.

"Ah..yung isa boss ko. .yung isa naman, di mo ba namukhaan?"

"Aba hindi. Bigla mo ko tinangay papalabas ng condo mo."

"Si Rouche." Sagot niya. Agad naman nanlaki ang mga mata ko.

"My God Magie! Nabusy lang ako sa school, may contact na naman kayo ng ex mo?" Hindi ko maintindihan pero ako yung naiistress eh. Sa pagkaka-alam ko, may asawa na ang ex niya. So bakit may pagbisitang nagaganap?

"We're friends, okay? Kalmahan mo lang."

"Sure?"

"Yep." tipid na sagot niya.

"Eh yung isa?" Usisa ko. Mukhang Wala na naman balak magkwento ang kasama ko. Buti na lang at hindi traffic ngayon dahil nakarating kami agad sa simbahan. Nandoon na din sina Ivy and Marune na naghihintay sa amin.

"Ang tagal niyo mga beh." Sabi ni Ivy habang kumakain ito ng ice cream na nasa cup.

"Atleast nakarating diba." Sagot naman ni Magie sakanya. Nagselfie muna kaming apat at pagkatapos ay nagpunta na kami sa loob dahil dumating na yung dalawang ikakasal.

Ang ganda talaga nitong si Gy. Gumaganda ba talaga ang babae kapag nasa tamang tao na?

Ako kaya? I'm stressed lately and I don't know why. Bukod sa mga lesson plans, ang Dami din gumugulo sa isip ko lalo na't....

Shit. .

Bat di ko naisip to agad?

Lord, sana po wala ngayon si Sage sa rehearsal.

----

Natapos din ang rehearsal. Nauna na sa amin umalis sina Ivy at Marune dahil may mga lakad pa daw sila. Itong si Ivy, may "jamming" daw sila nung sa other circle of friends niya. Alam niyo naman yun, madaming friends. Sa aming magbabarkada, siya lang yata yung masasabi kong famous. Puro famous yung mga kaibigan niya at mga bigatin na ngayon. So ayon, may gathering something daw sila. And dahil madaldal siya, nachika niya din sa amin na baka daw nandoon ang crush niya way back college days. Naku. Kilala na namin yan. I forgot the name. Basta ang natatandaan ko eh cutie din naman yun na may pagka nerd with curly hairs. She's into nerd guys. For her, sexy daw ang mga ganun na lalaki lalo na kung matalino.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon