Chapter 5 - Who Am I?

59 2 1
                                    

Who I am?



3 years ago..


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa sobrang bigat ng kung anong bagay ang bumabalot sa akin. Tubig. Nasa ilalim ako ng tubig. Wala akong makapitan. Lalo akong naninerbyos dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako kung saan, umaasang may kagaya kong nalulunod pero wala akong makita. Tumingala ako. Tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata. Dahil sa liwanag na iyon ay nabuhayan ako ng loob. Kailangan kong maka-ahon. Kailangan kong makaligtas sa pagkakalunod. Iginalaw ko ang aking mga kamay upang umangat ako ng may biglang humawak sa bewang ko. Kinabahan ako dahil sino ang mangangahas na gawin sa akin iyon?

Iniharap niya ako sa kanya at tinignan bago ko mapagtanto na nililigtas niya ako mula sa pagkakalunod.

Malapit na namin maabot ang dulo ngunit dumulas ang kamay ko mula sa pagkakakapit sa kanya at nahulog.

Mula sa pagkakahulog na iyon ay agad akong napamulat. Hinahabol ko ang aking hininga. Kinapa-kapa ko ang aking dibdib sa sobrang tibok nito. Panaginip lang pala iyon. Halos maiyak ako dahil doon. Akala ko ay malulunod na ako ng tuluyan. Napa-upo ako mula sa pagkakahiga at sumandal sa bed rest.

Habang pinapakalma ko ang aking sarili ay bigla naman bumukas ang pintuan. Nagulat ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 60's. May dala dala itong tray at may laman na pagkain na agad ko namang naamoy. Kumalam ang tiyan ko na parang nasasabik na malasahan ang pagkain na iyon.

Lumapit sa akin ang babae. Inilagay muna ng babae ang dala nitong tray sa may mesa na katabi ng kama at naupo sa tabi ko. Mataman ako nitong sinuri bago nagsalita.

"Iha sa wakas gising ka na. Teka tatawagan ko si Sir." Natutuwang sabi nito bago tumayo at may kung anong kinuha sa kanyang bulsa, at agad na may pinindot bago nito nilagay sa tenga niya.

Bakit hindi ko mawari kung anong klaseng bagay iyan? I should know dahil... Dahil.. ano ba ang tawag sa ginagamit ng babae na pantawag?

Naputol ako sa pag iisip ng mapansin kong umupo ulit sa tabi ko ang babae at hinawakan ako sa kamay.

"Iha.. papunta na dito si Sir. Kamusta ang pakiramdam mo? May kailangan ka ba?" Buong pag-aalala nito. Muli kong naamoy ang pagkain sa mesa na siyang nagpakalam ng tiyan ko. Maging ang babae ay napatingin sa bandang tiyan ko at napangiti.

"Iha kumain ka na muna." Kinuha nito ang isang tasa na may lamang sopas. Tinignan ko iyon.

'Macaroni soup' sabi ng utak ko. Napahinga naman ako ng maluwag ng maalala ko kung anong klaseng pag kain ito. Agad ko iyon inubos at pagkatapos ay pinakain sa akin ng babae ang binalatan nitong orange.

"Gusto mo pa ba ng sopas iha? Ipagkukuha kita?" Tanong ng babae na siyang pagtango ko bilang sagot. Nagpaalam na itong aalis at ako naman ay naiwan sa kwarto.

Iginala ko ang aking paningin at sinuri ang buong kwarto. Ngayon ko lang napansin kung gaano ito kalaki. Ang sahig ay gawa sa kahoy na pinakintab. May iilan ding paintings na nakasabit sa pader na siyang nagpaganda ng silid na ito. Ang kumuha naman ng atensyon ko ay ang glass door na nakabukas ng konti kaya't nililipad ang kurtinang nagsisilbing takip dito. Tumayo ako upang lumapit doon. Ako ay namangha dahil sa magadang tanawin ang bumungad sa akin. Isang karagatan. Sinalubong ako ng hangin na siyang nagpasayaw sa aking mga buhok sa ere. Binuksan ko pa lalo ang glass door at naglakad papuntang balkonahe. Isinandal ko ang aking mga kamay sa barandilya at matamang pinagmamasdan ang tahimik na dagat.

Nasaan ako? Tanong ko sa aking sarili. Pinagmamasdan ko ang mga iilang bata na naglalaro sa dalampasigan. Meron din naglalako ng mga sariwang isda. Meron din mga mumunting cottage sa kabilang banda na gawa sa nipa at kahoy. Maraming tao doon.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon