Spill the Tea
1 week after nang pag prupose sa akin ni Kael ay namanhikan na sila sa amin at pinag usapan kung kailan ang kasal. Napagplanuhan namin na next year kami magpapakasal since November naman na ngayon. Sabi ko ay sa June na lang since gusto ko maging June bride.
Ewan ko kung bakit madami nagpapakasal tuwing June. Swerte yata kapag ganoon. Sumang ayon naman si Kael para may time din daw kami para mag prepare for the wedding. Actually ang napagplanuhan namin ay yung sasapat lang sa budget. Ayoko ng masyadong engrandeng kasal. Gusto ko yung sapat lang, na nandun yung family, ilang relatives and close friends namin. Ayaw sana ng simple ni Kael. Mabuti na lang at napilit ko siya. Minsan lang daw kami ikakasal kaya dapat memorable. Kahit naman hindi engrande yung kasal, memorable parin naman since kasal iyon. Tsaka sa panahon ngayon, dapat praktikal na tayo. Lalo na't syempre after kasal, gagawa ng baby. Haha. Pero totoo naman. Need paghandaan yung future ni baby. Ayokong magbuntis ng hindi financially stable. Kaya sabi ko sa kanya, be practical.
After ng pamamanhikan, itong mga kaibigan ko ay nagplano ng party for me. Kaya nagpaalam ako kay Kael na mag gi-girl's night out kami. Pinayagan naman ako ni future hubby kaya nandito ako ngayon sa isang exclusive bar kasama ang aking friends.
"Finally!!!!! Nag prupose din si Engineer!" Sigaw ni Ivy habang hawak-hawak ang isang beer. Halatang nakarami na siya. Medyo maingay na din kasi since 12 midnight na. Party party na talaga ang mga people for tonight's mess. Char.
"Ikaw Ivy kailan ka magpapakasal?" Tanong naman ni Magie habang inienjoy nito ang buttered chicken na naka hain sa table namin.
"Kasal? Saan? Sa hangin?" Sabi naman ni Marune habang humagalpak ng tawa ito. Tinignan ko naman si Ivy sa gilid at talaga namang kumalat na ang mascara niya sa mata niya. Tahimik na tinatantya nito ang dalawa na inaasar siya. Iniabot ko sakanya yung hawak kong tissue at tinuro na mata niya. Na-gets niya naman ang ibig kong sabihin ka nag retouch na din naman siya.
Tinurto niya ang dalawa.."Kayo kayo.. grabe kayo sakin ah. Porket may mga umaaligid sainyo na mga gwapingss tapos ---" Natigil siya sa sinasabi niya dahil may tinitignan siya sa aming likuran.
"Looks like familiar.. give me my eyeglasses.." Tinuro niya ang bag niya na katabi ni Magie at kinuha din naman ni niya ang salamin nito sa bag niya. Iniabot niya ito at agad naman sinuot ni Ivy yung salamin niya.
Nanlaki ang mga singkit niyang mga mata dahil siguro na-confirm niya kung sino yung nakita niya.
Nakakita na naman siguro ng pogi. Haha.
"Beh?" Nakatingin sakin si Ivy. Ako yata tinatawag kaya tinignan ko siya sabay tanong ng "what?" May tinuro siya sa likod kaya lumingon naman ako sa tinuturo niya.
Pag lingon ko, muntik ko pa mahulog ang cellphone ko..
inaaninag ko kung sino ang familiar na taong tinuturo ni Ivy sa akin.
What the hell..
Si Sage..
Nakatingin sa amin..
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?