Painful GoodbyeNagising ako dahil sa nakakatakot na panaginip na iyon. Bumilis ang paghinga ko at napahawak sa aking dibdib. Napatitig na lamang ako sa kisame ng kwartong ito, ang nakasanayan kong kwarto dito sa mansion. Napakagat labi ako dahil pinipigilan kong humikbi. Itong kwarto na ito ang naging munting tahanan ko matapos ang aksidente.
Yes..
Naaalala ko na lahat. At dahil naalala ko na lahat, hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi. Nalala ko na ang nakaraan ko.. Naalala ko na kung sino talaga ako. Napahawak ako sa aking sentido dahil kumirot ito ng panandalian. Kasabay nito ang pagkirot ng puso ko. Bakit..bakit ang sakit? Kung kailan ko napagtantong nahulog na ang loob ko sakanya, saka naman ganito.. Meron pala akong naiwan na lalaking nagmamahal sakin at marahil hinahanap na niya ako. Dapat ay maging masaya ako. Pero bakit ganito? Naguguluhan ako. Meron sa parte ko na nagsasabing huwag na ako bumalik kay Kael. Hindi pwede iyon. Siya ang una kong minahal. Matagal na ang relasyon namin kung kaya't ayokong masayang iyon. Umupo na lamang ako sa kama at pinunasan ang mga luhang nag uunahan tumulo.
I know, mali itong nararamdaman ko kay Sage. I should not entertaim this kind of feeling. Ayokong sayangin ang haba ng panahon ng relasyon namin ni Kael. Marami na kaming pinagdaanan. Hindi ako pwede mahulog sa taong sumagip sa akin mula sa aksidente. He's just a doctor. Nothing more. Ang dapat ko lang isipin ay ang magpasalamat dahil niligtas niya ako. Iyon lang dapat.
Tama. Hindi ko dapat ientertain ang feelings ko kay Sage. Ayokong masaktan si Kael. Ayokong magcheat. Hindi ko magagawa iyon sa taong pinakaimportante sa buhay ko.
Pero bakit ganoon? The more I convince myself not to entertain this feeling, the more it hurts here in my heart?
Shit..
Anong ginawa mo Ava..
Im sorry Kael.. I didn't mean to fall in love with someone else.. Dont worry, ititigil ko na ang kahibangan kong ito. Hindi ito pwede. Hinding hindi..
"Hija! Mabuti at gising ka na! Teka, tatawagin ko si Sir Sage upang icheck ka." Sabi ni Manang Lea. Inilapag niya muna ang dala nitong tray na may lamang maliit na batya at towel. Nagmadali itong lumabas kung kaya't ako naman ay inayos ang sarili. Hindi dapat ako umiiyak, baka kung ano sabihin niya.
Dumating na nga ang inaasahan ko at agad ito naupo sa tabi ko. Tinignan niya ako ng mabuti. Ayokong tignan ang mga titig niyang may halong pag iingat at pag-aalala. Hindi ako pwede mahulog ng tuluyan sakanya. Hindi ko pwede lokohon si Kael dahil siya ang mahal ko..
"Ava..are you okay? May masakit ba sayo?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Umiwas lalo ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa veranda. Tumango ako bilang sagot sakanya.
"Tatlong araw ka ng tulog. Thank God at nagising ka na mula sa pagkakalunod." Sabi niya. Tatlong araw? Tatlong araw na akong tulog? Hindi ko siya pinansin. Narinig ko na lamang na inutusan niya si Manang Lea na kumuha ng pagkain. Kami na lang dalawa sa kwarto na ito. Ang kwarto na ito ang naging saksi sa lahat ng nararamdaman ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Gustuhin ko man siyang tignan ngunit hindi ko magawa. Gustuhin ko man siyang yakapin pero hindi pwede. Sa tuwing naiisip ko iyon, lalo lang lumalaki ang kasalanan ko kay Kael kaya't hindi ko na lang iyon gagawin dahil ayokong lumaki pa lalo ang kasalanan ko.
"Ava..hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala.." sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Ipinahawak niya sa pisngi niya ang palad ko. Ava..wag kang lilingon..
"Ava..kausapin mo naman ako.. sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo.." malambing na sabi nito na may halong pag aalala. Hindi ko siya matiis kaya nilingon ko siya. Hindi mo din alam Sage kung ano nararamdaman ko sayo pero hindi ito tama..
BINABASA MO ANG
Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)
RomanceWhat would I choose: The love that I used before or the love where I found after?